Takot

327 6 0
                                    

Natatakot ako kung anong mangyayare satin sa mga susunod na araw. Paano pag dumating ung araw na mag sawa na tayo sa isat isa, napagod na tayo kakaintay at sumuko na lang. Hindi ko alam bakit pero gabi gabi hindi ko maiwasan maisip paano kung sumuko ka o ako? At un parin ung dahilan.. Dahil sa magulang natin.. Bibitaw ka na ba o hahawak parin. Oo alam ko nangako tayo sa isat isa na kahit anong mangyare walang sukuan pero di mawala sa isip ko na dumating ung araw na un at hindi ko kakayanin parang buong mundo ko bigla na lang mag lalaho. Pero hanggat kaya ko kakapit at hahawak ako. Sinasabi nila wala akong namang kasiguraduhan na hanggang huli tayo, tama sila wala tayong kasiguraduhan pero umaasa at iniintay ko dumating ung araw na mapapatunayan natin sa kanila sa tagal at haba ng panahon KAMI parin at hindi sumusuko sa isat isa. May tatakot ako.. Sa bawat araw na lumilipas na paano kung eto na pala ung huling araw natin magkasama. Pero gagawin ko ang lahat wag ka lang mawala sakin. Alam ko nasa umpisa pa lang tayo pero sana hanggang huli tayo parin. Katulad nga nang pangako ko sayo na kahit anong pagsubok man yan lalagpasan natin yan at hinding hindi susuko. Minsan na tayong nasaktan, Minsan na tayong nabigo pero ang mapapangako ko lang sayo mamahalin kita hanggang sa huling hiniga ko. Hindi man tayo lagi mag kasama, hindi man tayo lagi nag kikita, hindi man tayo lagi nag uusap, ang lagi mo lang tatandaan kahit hindi man tayo nag uusap,nagkikita o nag kakasama.. Ikaw lang mamahalin ko hanggang huli. Mahal na mahal kita pero eto lang sa totoo lang natatakot ako.. Natatakot nga ako na baka sa isang araw eto na ung huling araw natin magkasama o natatakot ako kasi paano pag naulit ulit un nasusuko ka o ako... Hindi ko kakayanin ung araw na un pero alam ko may dahilan naman ang lahat at kung tayo talaga para sa isat isa mag kikita at mag kikita ulit tayo "our destiny" will cross path again.

Over thinking (English & Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon