Mawala

72 4 0
                                    

Bakit ko nga ba binitawan?
Bagay na matagal kong pinanghawakan,
Hanggang ngayon puso at isip ikaw pa din ang laman
Kailan ka nga ba makakalimutan?

Bakit ko nga ba binitawan?
Bagay na sobra kong pinahalagahan,
Kahit sino at saan ikaw ang pinaglaban,
Bakit ngayon, talo ng lubusan?

Hinayaan kong makakawala ang lobo,
Sinubukan kong habulin ng husto,
Hinabol habol ko at para na akong gago,
At biglang naisip; di na babalik ang minsa'y aking ginusto.

Hinayaan ko na lang na siya'y makakawala,
Baka sakaling meron pa akong mapala,
Nalulungkot ako habang nakatingala,
Tinitigan ko hanggang sa mawala ng mawala ng mawala.

Over thinking (English & Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon