Naguguluhang nararamdaman

143 3 0
                                    

Naguguluhan ka ba sa nararamdaman mo?
Ako rin e, gulong-gulo.
Gulong-gulo kung ano ba ko sayo.
Ano ba ang nararamdaman ng puso mo?

Gusto mo ba ang atensyon na binibigay ko sayo?
Sa tuwing tinitingnan kita?
Sa tuwing kinakausap kita?

Meron bang kaba sa dibdib mo kapag lumalapit ako?
May kilig ka bang nararamdaman kapag tumabi ako sayo?

Naipaparamdam ko ba sa iyong importante ka?
Kumportable ka bang kausap ako?
Nararamdaman mo ba ang pagpapahalaga ko?
Ano bang tingin mo sakin? Sa buo kong pagkatao?

Teka, gaano katagal na nga ba tayong magkakilala?
Oo nga pala, isang buwan palang simula nung una mo akong kinausap.
Naisip mo sigurong masyado pang maaga?
Maaga pa nga ba para isipin kong nahuhulog ka narin sakin?

Ayokong maging kaibigan mo lang.
Ayokong maging sandalan ka lang.
Dahil nasasanay na kong nandiyan ka tabi ko.
Sana wag mong pigilang mahulog ang sarili mo.

Alam kong gusto mo na rin kaso ayaw mo pa,
Dahil kapag magkasama tayo alam kong masaya ka.
Hindi mo iniisip ang pwedeng sabihin, tungkol sa atin, ng iba.
Pero gaya ng tanong ko kanina,

Masyado pa nga bang maaga para ito'y bigyan ng kahulugan?
Sige kilalanin muna natin ang isa't isa at magsimula bilang magkaibigan,
Pero wag kang mag alala, kaya kong hintayin ka,

Over thinking (English & Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon