Bullet 4

160K 3.6K 197
                                    

Surprise

"Cap."

Bahagya akong lumingon. Lumapit sa akin si Violet habang sumisimsin ng kape. Binalik ko ang tingin ko sa labas ng veranda ng bahay ni Markus.

"Nakabalik na si Den kasama ang mga ilang mga gamit natin." Aniya.

Tumango ako. "Good."

Nakausap namin ang tatay ni Markus. He wants us to be with Markus all the time at ganon naman talaga ang plano namin. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit kailangan kami dito, it's because the opponent is really good. Maski ako ay napapaisip kung sino siya at kung anong kailangan niya.

I don't believe that his reason is just because of the elections. Masyadong magaling ang kalaban para maging ganon lang ang rason.

"Bakit gising ka pa?"

"It's not safe here, Violet. May sumusunod na kotse kanina sa atin."

Linibot ko pa ang tingin ko. I don't feel the security in this place.

"Ganon naman talaga, Cap. Hindi tayo kakailanganin dito kung may lugar silang mapupuntahan na ligtas talaga." Aniya.

"Yeah, you're right. We need to do this right. Hindi 'to tulad ng ginagawa natin sa field na takbuhan at patayan. Dito, mas importante ang security." Saad ko.

"By the way, Violet. May meeting bukas si De la Fuente sa kompanya niya. I'll come with him. Ikaw, samahan mo si Geric at Ramon na i-check lahat ng CCTVs sa village na 'yon. We need a lead. Kahit anong unusual lang. Ang iba naman ay gagawa ng report sa kung anong nangyari kagabi. They need to pass it to Commander." Paliwanag ko.

"Okay." Tumango siya at uminom muli.

"Alam ba ng pamilya mo na six months ang tagal ng misyon natin?"

Napakagat ako sa labi ko at umiling. Napatingin ako sa langit at bumuntong hininga. Ayokong pinag uusapan ang pamilya pag ganitong mga oras dahil mas na-mimiss ko sila. Especially my dad, mom, sister and brothers.

Naninikip ang dibdib ko..

"Hindi pa. Nag hahanap pa ako ng tamang oras. We're in Manila at sigurado akong malaki ang tyansang maka salubong ko sila habang binabantayan natin si De la Fuente."

"You should tell them already. Kita mo na ang nangyari sa'yo. Muntik ka na, kahit gaano ka pa kagaling. You can never tell and please, mag sulat ka na ng will mo. Kinukulit na ako ni Commander sa will na 'yan." Aniya habang natatawa.

Kumunot ang noo ko. Atat na ba si Commander na mamatay kami at gustong mag sulat na kami ng will? Wala pa nga akong mapapag alayan ng will na 'yon.

"Bayaan mo si Commander. Kakausapin ko rin siya.. I'm thinking of leaving the service. Baka last mission ko na 'to. I can't bear to hear my mom cry everyday just because she's worried if I'm still alive."

Pinagisipan ko ng mabuti 'to. Mas importante sa akin si mommy kay'sa sa kagustuhan kong manilbihan sa bansa. Naisip ko na pwede ko namang gawin 'yon kahit wala ako dito at hindi naman masasayang ang mga pinagaralan ko dahil sa Security ng SSM pa rin naman ako.

SSM is my family's business. Doon na din nag tatrabaho ang mga pinsan ko. Ako lang naman ang nakahiwalay sakanila dahil pinili ko na mag army.

"Sigurado ka na ba diyan?"

"Yup. Ikaw ba? Hindi mo pa ba naiisip umalis?"

"I'm not like you, Joan. Wala na akong pamilyang babalikan. Ito, kayo, this is my family now." Aniya.

MONTGOMERY 2 : I'll Be Your SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon