Bullet 32

109K 2.9K 354
                                    

Found

"Alam ba ni Rian na nandito ka?" Tanong ni Simon.

Pinikit pikit ko ang mga mata ko dahil sa pagod. Kararating ko lang sa Mansyon mula sa napaka habang byahe papuntang Argao. It was nice to see Simon from the door of the Mansion.

I didn't felt alone.

"No, she doesn't." Sagot ko.

Umakyat kami sa hagdan habang nililibot ko ang mata ko sa buong Mansyon. Hinawakan ko ang hawakan na gawa sa matibay na kahoy habang paakyat. Pinakiramdaman ko ito at malungkot na ngumiti.

It is still the same, it is exactly what I saw five years ago. Ang kaibahan lang ay wala akong maramdaman mula dito. It felt so empty. Maybe because Lola died and Simon is here alone. Well we have care takers pero once a week lang daw silang pumupunta dito.

Walang kasambahay o ano, parusa talaga 'to para kay Simon.

"But you'll see her?" Tanong niya.

"Of course, maybe tomorrow." Simpleng tugon ko.

Pinihit niya ang sedura ng isang pintuan sa second floor. Napaawang ang labi ko at mariing napapikit ng maamoy ko ang mabangong amoy ng mga lumang libro. Nag mulat ako ng mata at linibot ang buong paningin ko doon.

"Ginawa mong office?" Halos pabulong kong tanong.

Library ito dati pero ngayon ay may table at swivel chair na sa gitna. Nadagdagan din ito ng ilang shelves pa at puro tungkol sa architecture ang nakikita ko.

"Yes. Para sa sarili ko." Tugon niya.

Kumunot ang noo ko. Sumunod ako sakanya at umupo ako sa isang sofa doon. Umupo naman siya sa harap ko pero hindi ko siya masyadong pinansin. Namamangha pa rin ako sa bagong itsura nito at nakaka intimidate din si Simon ngayon.

"Architecture? Don't tell me, tinuloy mo?" Tanong ko.

"Yes, I did. Are you proud of me now? Sabi ko naman sa inyo diba? Papatunayan ko ang sarili ko kahit anong mangyari, kahit na walang kapupuntahan at kahit na walang magbabago. Ang gusto ko lang naman ay isipin niyong seryoso ako sa mga nararamdaman ko. Mali man, seryoso ako." Aniya.

Bahagyang napaawang ang aking labi. Well, alam naman naming lahat na ayaw niya talaga sa business pero hindi ko akalain na 'yon ang pag kaka abalahan niya habang nakakulong siya dito.

"Wow.. I didn't expect that." Manghang wika ko.

"I'm doing everything to prove myself, Gath." Seryosong wika niya.

Bumuntong hininga ako at umupo ng maayos. Masyado akong nangangawit sa deretso niyang upo. Hindi nalang ako sumagot sa sinabi niya dahil baka mag senti pa siya sa akin. Hindi ko kayang makakita ng lalaking nag sesenti.

"Then I'm proud of you." Saad ko.

Sinubukan kong ngumiti pero naging ngisi ito. Halatang nag mature si Simon. May konting stubbles na ito pero mas lalong nahulma ang perfect jaw line niya. Mukhang mabuti naman ang naging dulot ng Argao sakanya.

"Ikaw? Why are you here? Heart matter?" Natatawang wika niya.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hate to say this but yes." Inis kong sagot.

"Who's the unlucky guy?" Aniya habang pinipigilan ang matawa.

Okay, binabawi ko na ang sinabi kong mature siya. Isip bata pa rin ang gago. Kaasar! Unlucky agad? Excuse me, ang swerte kaya ng lalaking mamahalin ko. I am Agatha Joan Montgomery and that is everything to be proud of-- well, not for Markus.

MONTGOMERY 2 : I'll Be Your SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon