Bullet
"What are you doing?"
Nag-angat ako ng tingin at malungkot na ngumiwi sa gawi ni Alice. She was wearing simple clothes na malayong malayo sa itsura niya sa camera at telebisyon. Mukha siyang normal na babae ngayon.
Naka patong ang kanang kamay niya sa lamesa at naka patong ang ulo niya doon. Nakangiwi siya habang pinagmamasdan ako.
"I'm baking." Simple kong sagot.
Hinatid ako ni Tulip sa bahay nila. Ayaw ko pa kasing umuwi dahil ayaw kong makita ako nila mommy ng ganito. Sasabihin ko rin naman sakanila pero hindi pa ngayon. Fresh pa 'to at masakit na masakit pa.
Dito ko nalang napag pasyahan na mag bake para sa ibibigay ko kay Markus. Tuwing naiisip ko siya ay naninikip lang ang puso ko. Gustong gusto ko talaga siyang makita.
"Hindi ko alam na kailangan pala ng luha sa baking? Ano 'yan? May onion?" Sarkastik niyang wika.
Ngumiwi ako. "I'm not crying."
Nanatili ang tingin ko sa hinahalo kong ingredients. Nararamdaman ko ang pangingilid ng luha sa aking mga mata at ang ilan ay nagsitakasan na. Hinayaan ko nalang siya na tignan ako kahit na lumuluha ako at nahihiya akong makita nila ng ganito.
"What? Ano 'yang tumutulo sa mga mata mo? Pawis?" Natatawa niyang wika.
Bumuntong hininga ako at nag angat ng tingin sakanya. Kita ko ang pag ayos niya ng upo at ang mga mata niyang mataman akong pinag mamasdan.
I felt so conscious suddenly..
"Bakit ba nandito ka, Al? I only invited Tulip and I'm not expecting your weird bitterness in here."
Nagulat nalang ako at pag punta ko dito ay mga ilang sandali lang ay nakarating na rin siya. Kagagalin niya pa ata sa shooting dahil naka make up pa ito at bihis na bihis pa.
Dito nalang din siya nag palit dahil ayaw niya muna daw umuwi. Wala naman daw tao sa bahay nila. Tulad dito, Kuya Carl and Clyde are both working so walang tao sa bahay nila Tulip kung hindi siya. Hindi ko tuloy mapigilan ang maisip na araw-araw ba siyang magisa dito?
"Una sa lahat hindi ako bitter. Pangalawa, nandito ako kasi wala akong shooting today. I heard you lost your sanity so I'm here to bring it back but I didn't know.. na mawawala din ako sa sarili ko dito." Nakangiwing wika niya.
Kanina ay nag pakwento sila ng mga nangyari at kinwento ko naman. Naisip ko kasi na kung may pagsasabihan ako ng nararamdaman ko baka gumaan ang puso ko. Hindi naman ako nagkamali dahil bahagya akong nakahinga at ngumiti lalo na tuwing sinisinghalan ako ni Alice.
Pakiramdam ko nagigising ako sa katotohanan tuwing ginagawa niya 'yon. Si Tulip kasi ay tahimik lang at nakikinig. Taga depensa ko din siya dahil alam kong naiintindihan niya ako.
"Al, hindi ba artista ka? Why don't you pretend and act like you support my decision?" Frustrated kong wika.
Wala siyang ibang pinapatunayan sa akin kung hindi ang sabihing mali ang desisyon ko at wala na ako sa sarili ko.
"I won't! Nakakapagod na ngang umarte tapos gusto mo umarte pa ako sa harap mo?" Sarkastiko niyang saad muli.
"Ano? Nakakapagod umarte sa harap ni langit? Nakakapagod ba siyang makita araw araw at ipakita sakanya na ayos ka lang at masayang masaya ka pero sa totoo lang ay hindi naman."
Bahagya akong napalingon at nakita si Tulip na papasok na ulit ng kusina. Umupo siya sa tabi ni Alice at pinanuod rin ako sa ginagawa ko. Kung titignan siya ngayon ay mas okay na ang itsura niya kay'sa noong huli ko siyang nakita.
BINABASA MO ANG
MONTGOMERY 2 : I'll Be Your Soldier
RomanceAgatha Joan Montgomery is what you can call 'The Extraordinary'. She is not the typical rich girl with branded bags and clothes. She is the girl with guns and bullets. Instead of malls and parties, it's field and missions for her. Matagal na niyang...