Tameme
"Are you really okay? Baka kailangan kang dalhin sa hospital?" Inosenteng tanong ni Markus.
Ngumisi ako at tinulungan ang sarili kong umupo sa sofa. Nahimatay ako ng sandali kanina pero kilala ko ang sarili ko. This shot is nothing. Walang wala ito sa mga nararanasan ko sa field.
Alalang alala ang mokong. If I know, takot lang siyang may mamatay sa bahay na 'to.
"Si Captain 'yan. Hindi agad mamatay 'yan. Isang daan ang buhay niyan." Natatawang wika ni Ramon at sumunod sa pag tawa ang iba.
"I can still remember nung matamaan siya ng baril sa tyan pero hindi man lang siya natumba!" Manghang manghang kwento ni Geric.
Napailing nalang ako at binaling ang tingin kay Markus na diretso pa rin ang tingin sa akin. He was serious, not the typical smirking Markus.
"Did you check on the house already?" Tanong ko habang tinutuon ang atensyon ko sa tama ng baril sa akin.
It was throbbing and so painful pero pinipigilan kong gumawa ng kahit anong tunog na makakapagsabing nasasaktan ako. I was breathing heavily to stop the pain.
I need to remove this..
"No Cap." Deretsong sagot ni Den.
Tinignan ko sila at tinaasan ng kilay. They already know what I meant by that. Mabilis silang gumalaw at umalis. Kasabay non ang pagdaing ko at ang pagsandal ko sa upuan.
"Bakit hindi mo sinabi sakanila na nasasaktan ka? You're in pain.. Hope." Aniya.
Bahagya akong napangiti sa pag banggit niya ng Hope.
"If I told them that. Mag papanic ang mga 'yon. As a Captain.. ako ang mamumuno. Paano ko sila pamumunuan kung ito lang ay hindi ko makaya?"
Natigilan siya sa sinabi ko. Lumapit siya ng bahagya sa akin at pinagmasdan ako. Hinawakan ko ang balikat ko para magka pressure doon. Fuck, sharp shooter ang bumaril.
"But you're a girl.." he traced.
"I'm a girl but that doesn't mean, I can't protect you. I'll put my life on the line just to make sure you're safe, Markus." Seryosong wika ko.
Kumunot ang noo niya. "Kahit alam mong pwede kang mamatay?"
Naninibago ako. He's too serious right now. Walang wala ang lalaking may hawak ng nylon habang hinihila ang chocolate na hinabol ko.
"Yes." Walang alinlangan kong sagot. Kita ko ang pagkagulat sakanya. Hindi ko na siya pinansin dahil sobrang sakit na talaga ng balikat ko.
Unang beses kong mabaril sa balikat, magaling ako sa pag ilag that's why I'm not used to the pain on my shoulders. Mostly ay sa binti ang tama ko at mas madaling pigilan ang sakit doon. Hindi ko alam kung bakit pero para sa akin ay ganon..
"Kumuha ka ng gunting." Utos ko sakanya.
"Huh? Why?"
Wala sa sariling napangiti ako. He's too handsome and I can't help it.
"Get it." Giit ko at mabilis naman siyang lumabas.
Lalong lumawak ang ngiti ko. He must be really scared to obey me like that. Nakaka inspire naman ang kagwapuhan niya kaya okay lang. Wala naman kasing gwapo sa barracks. Kakaiba 'tong hinayupak na 'to. He's too good to be true. Sanay ako sa mga gwapo dahil sa mga pinsan ko pero para sa akin ay iba ang gwapo niya. Nakaka hinayupak ang ka-gwapuhan niya.
But I know my limitation. Hindi naman ako magkakagusto sakanya dahil namumuhi pa rin ako. Besides, sa trabaho ko.. komplikasyon lang ang pag ibig.
BINABASA MO ANG
MONTGOMERY 2 : I'll Be Your Soldier
RomanceAgatha Joan Montgomery is what you can call 'The Extraordinary'. She is not the typical rich girl with branded bags and clothes. She is the girl with guns and bullets. Instead of malls and parties, it's field and missions for her. Matagal na niyang...