Panaginip
Para akong nanghihina sa nakikita ko. This is not what I planned! Wasak na wasak ang puso ko at lumalim ang paghinga ko.
"Markus!" Sigaw ko.
"Cap!" Rinig kong sigaw sa likod ko.
Mabilis kong itinaas ang baril na hawak ko at walang dalawang pag iisip na pinutok 'yon sa dibdib ni Monteverde. Napaawang ang labi ko ng mag paputok din siya at mabilis akong tinamaan sa hita ko. Naiyukom ko ang mga palad ko sa baril at mahigpit ko 'yong hinawakan. Ininda ko ang sakit sa hita ko kahit na ramdam na ramdam ko ang pagpitik non.
Naningkit ang mga mata ko at muling pinutok 'yon sa paa niya at sa balikat niya. Akmang magpapaputok pa siya nang marinig kong may pumutok mula sa likod ko at tinamaan siya.
Mabilis siyang humandusay sa sahig at nagpakawala ng halakhak. Tawa lang siya ng tawa habang nawawalan siya unti-unti ng dugo. Lumingon ako at nakita kong kompleto na sila doon. Nangagalaiti ako sa galit ngayon dahil hindi ko man itanong, alam kong sila ang nagdala kay Markus dito.
"Tumawag kayo ng ambulansya!" Sigaw ko.
"Cap! May sugat po kayo!" Nag aalalang wika ni Violet.
"Tumawag kayo! This is an order!" Sigaw ko.
Binaling ko ang atensyon ko kay Markus at muling nanikip ang dibdib ko. Tumakbo ako papunta sakanya at iniangat ang ulo niya. Napatingin ako sa may tyan niya at nakitang marami ng nawawalang dugo sakanya. Yinakap ko siya at humagulgol ako. Para akong batang inagawan ng candy at umiyak ng umiyak lang.
I never thought it would hurt this bad. Akala ko ay nag papaka over acting lang ang mga nasa movies pero ngayon, alam ko na hindi. Totoong nakakamatay ang sakit na makita siyang ganito dahil sa akin.
"Sh.. don't cry, Agatha. I don't want to see you like this. This is not what wanted." Halos walang lakas niyang wika.
Para namang may gumihit na linya sa puso ko habang pinapakinggan siya.
"Nababaliw ka na ba? Anong gusto mo! Tumawa ako? Ang sama sama mo talaga! I hate you! Kinamumuhian kita! Sinisira mo lahat nga plano ko! Lagi mo nalang akong pinaiiyak! Wala kang kwenta! Nakakainis ka! You'll pay for this! Don't you dare die!"
Lumayo ako sakanya at sininghalan siya. Wala na akong pakielam kung ang pangit pangit ko ng tignan sa paningin niya. Gusto kong makita niya kung gaano ako masaktan habang nakikita siyang ganito.
Instead of arguing with me. Inangat niya ang kamay niya at hinawakan ang hita ko. Hinaplos niya 'yon at mabilis ko ring inalis ang kamay niya doon para hawakan. Mahigpit ko 'yong linagay sa may puso ko at yinakap.
"Ang manyak mo talaga!" Naiiyak kong wika.
"Hindi kita naprotektahan. You've been shot." Nanghihinang wika niya.
"Kay'sa naman yung sa'yo!" Singhal ko.
I never thought that such a sad moment can turn out like this. Nakikita kong napapapikit na siya pero nilalabanan niya. Naiinis ako sakanya! Dapat ako ang nandito!
Ako dapat ang nabaril! Bakit niya ba hinarangan!
Bakit kailangan niyang maging ganito?
"Agatha.." mahina niyang tawag sa akin.
Sa munting pagkarinig ng pangalan ko mula sakanya ay nanghina ang puso ko. That is enough to make me cry harder. Hindi ako sumagot at tinignan lang siya sa mata.
Nasasaktan ako habang nakikitang nasasaktan din siya. The pain is so unbearable.
Hinawakan ko ng mahigpit ang isang kamay niya at hinayaang maglabasan ang mga luha ko. Iniangat naman niya ang kamay niya at inabot ang mukha ko. Hinaplos niya 'yon kaya mas humagulgol ako.
BINABASA MO ANG
MONTGOMERY 2 : I'll Be Your Soldier
RomanceAgatha Joan Montgomery is what you can call 'The Extraordinary'. She is not the typical rich girl with branded bags and clothes. She is the girl with guns and bullets. Instead of malls and parties, it's field and missions for her. Matagal na niyang...