Takot
Kasal? Agad agad? Nagmamadali? Hindi ko pa nga naaayos ang sabog kong damdamin tapos kasal agad? Wala man lang special preparation ang proposal niya.
Hinayupak talaga siya. Babae din naman ako. I want something extra-ordinary.
"Nabigla ka ba?"
Pinark na niya ang kotse sa parking lot ng kompanya nila. Huminga ako ng malalim at gustong gusto kong sabihing nabigla ako syempre pero.. parang ang pangit sabihin 'yon.
"Ewan ko sa'yo." Sagot ko.
Mabilis akong lumabas at dumirederetso papasok ng elevator. Mabilis din naman siyang sumunod sa akin kasama ang mga gamit ko at akmang may sasabihin nang mabilis na nagsipasukan ang mga ibang empleyado.
Wala naman sila kanina dito.. saan sila nanggaling?
Puro pag bati sakanya ang umalingawngaw sa buong elevator. Tinakpan naman niya ako sa likod at linapat muli sa dulo ng elevator. Kurutin ko siya eh! Pero hindi kami masyadong okay ngayon.. hindi makakabuti ang pagkurot ko sakanya.
Huminga ako ng malalim para matiis ang sarili na singhalan ang mga babae dahil sa pagpapacute nila sakanya. Wala naman akong karapatan atsaka bakit ko naman gagawin 'yon diba? Normal lang naman mag pacute sakanya. Ikaw ba naman magkaroon ng boss na ganyan ang itsura, hinayupak ngalang. Talagang mag papacute ka.
"Sir, mag aattend po kayo ng charity ball?" Tanong ng isa.
"Yes, I will." Sagot naman niya.
Sige sagot pa! Gustong gusto mo 'yan eh. Enjoy every bits of it!
"Sir magsasaya po ba kayo ng mga empleyado?" Malambing na wika ng isa.
I suddenly want to puke! Bago pa siya makasagot ay pasasalamat ko nalang na tumunog ang elevator, hudyat na mauna silang bababa! Maraming salamat po!
"Sige sir! Mamaya nalang po!" Sigaw ng mga babae.
Mamaya your face! Sige magsayaw sayaw kayo diyan. Wala akong pakielam. Mga pabebe kayo!
Lumalim ang pag hinga ko at sandali akong pumikit bago siya bahagyang itulak para maka-alis sa likod niya. Kainis siya! Pasalamat siya at hindi ko siya tinadtad ng kurot ngayon. Kung alam lang niya kung gaano ko siya gustong sakalin ngayon.
Damn. The Montgomery's territorial trait is eating me!
"Bakit hindi mo ako kinukurot ngayon?" Inosente niyang tanong.
Humalukipkip ako at hindi siya tinignan. Nanatiling sa harap ang tingin ko pero nasisigurado ko na kung nakaka butas ng metal ang masamang tingin, malaman ay butas na ang elevator na 'to.
"Bakit gusto mo?" Masungit na wika ko.
Gusto pala niyang kinukurot siya! Bakit hindi niya sinabi at buong araw ko siyang kukurutin ng makita niya ang hinahanap niya.
"Whoa! Chill.. why are you so pissed?"
Hindi ako sumagot at umirap lang ako. Pati naman ako ay hindi alam kung bakit ako nagkakaganito, I'm just following my own feelings. I feel pissed that's why I show it.
"Hey.." banayad niyang tawag sa atensyon ko.
Napakagat ako sa labi ko. Ayan na nga ba ang sinasabi ko! Kahinaan ang puso. Hindi magandang bagay na isang tawag lang niya sa akin ng ganyan ay bibigay na ako. Pesteng tibok ng puso!
"You know? Hindi ako naniwala noong sinabi mong gusto mo nga ako. It's just really.. amazing but seeing you pissed right now because I talked to some girls makes me so happy. It's a proof that you really like me."
BINABASA MO ANG
MONTGOMERY 2 : I'll Be Your Soldier
RomanceAgatha Joan Montgomery is what you can call 'The Extraordinary'. She is not the typical rich girl with branded bags and clothes. She is the girl with guns and bullets. Instead of malls and parties, it's field and missions for her. Matagal na niyang...