Bullet 34

126K 2.8K 67
                                    

Mga tahimik na inspirado, this is not the last chapter!

Markus' Side

"Markus, let's go. We need to go to the gym. Nandoon na si coach." Ani Key, isa sa mga kasama ko sa team.

Today, we will be having a basketball competition outside our school. Mula sa Manila ay pumunta pa kami sa Cebu para lang makalaban ang pinagmamalaking team ng isa sa mga pinaka sikat at malaking school dito sa Cebu.

As if I would be scared. I know my skills, no one can beat it. I'm a city boy and they're just a bunch of provincial lost boys.

"Yeah, let's finish this." Nakangisi kong wika sa kaibigan ko.

Sumunod ako sakanya dahil medyo alam daw niya ang pasikot sikot dito. I was stopped on my tracks nang marinig ko ang isang tinig mula sa speakers ng school na 'yon.

It was a voice of an angel.

"Good Afternoon everyone. Enjoy your lunch! This is Agatha Joan Montgomery."

Nagtaas ako ng kilay at wala sa sariling napangiti. Agatha Joan Montgomery? Let me save that on my brain. Hindi ko pwedeng makalimutan ang pangalan ng babaeng 'to.

Saved.

"Let's go, Markus. Ano bang nginingiti mo diyan?" Natatawang saad ni Key.

Umiling ako at lalong lumawak lamang ang ngiti sa labi ko. Sinenyasan ko siyang mauna na.

"Go, I need to do something." Saad ko.

Tinagilid niya ang kanyang ulo na para bang sinusuri niya ang aking desisyon.

"Sige na, mauna ka na. Susunod din ako." Giit ko.

"Okay.." aniya.

Pinanliitan pa ako ng mata atsaka tinaluran na ako habang umiiling iling.

Napakagat ako sa aking labi nang biglang may umapaw na kanta mula sa speakers. My heart started to beat faster at parang gustong gusto kong makita ang babae sa likod mg boses na 'yon.

The song was It's Never Seen Anything "Quite Like You" by The Script.

Looks like I have a new favorite song. Hahakbang na sana ako paalis para hanapin ang kwarto kung saan ino-operate ang broadcasting nila dito nang makita kong may lumabas sa isang pintuan.

"Thank you! I need to go BCs!" Sigaw ng isang babae at humalakhak pa habang palabas ng pintuan.

Mabilis akong nagtago at bahagyang sumilip sa gawi ng babae. Napabuga ako ng hangin at pinigilan ang sarili kong mapangiti. Dammit! I didn't know na may ganito kagandang babae dito. Her hair is short but it suits her well. She looks so damn sexy on it.

Gusto ko tuloy ipadausdos ang kamay ko doon. Fuck! Nag mumukha na akong manyakis dahil sakanya!

Na-alarma ako nang tumalikod siya at tumungo sa isang daan na hindi ako pamilyar. Shit! Markus! Anong gagawin ko? I need to see her more. Gusto ko pa siyang makita at makausap! I want to hear her voice once more!

Mabilis akong umikot at ginawa ang madalas kong nakikita sa mga kaibigan ko. Ito ang madalas nilang prank sa mga liniligawan nilang babae. Mula sa pwesto ko ay nakikita ko ang naglalakad na babae. Pati lakad, kakaiba.

Napangisi ako nang napansin niya na ang ginawa kong pain. A toblerone that was tied in a nylon. Yumuko siya at pilit na hinahabol ang toblerone na binili ko pa sa Manila. I was biting my lip the whole time. Kita ko ang frustration niya at ang pag suko niya. Umayos siya ng tayo at bumuga ng hangin.

MONTGOMERY 2 : I'll Be Your SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon