Bullet 24

104K 2.4K 103
                                    

Soldier for him

Huminga ako ng malalim at binuksan ang binds ng opisina ni Markus. Tinanaw ko ang napaka gandang city lights sa labas. Buong araw ay kasama ko si Markus, nag usap lang kami sa opisina niya, pinagsilbihan niya ako at kahit ganon lang, sobrang saya na ng puso ko.

Wala sa sariling napayakap ako sa sarili ko habang tanaw tanaw ang labas ng opisina niya. Hindi ko mapigilan ang alalahanin ang buong araw na 'to. I was happy.. I was. Nakaupo lang kami sa sofa niya pero 'yun na ata ang pinaka komportableng lugar na naupuan ko. Dahil sa nararamdaman ko, nagiging hopeless romantic na nga ata ako.

Dumating na ang oras, kinailangan niyang lumabas para sa event. Nagsimula na ito kanina pa. Nandoon na rin sila Kina, binabantayan siya. Ako naman ay nag hihintay ng tamang oras para sa plano ko. Mariin akong pumikit at dinama ang amoy ni Markus sa opisina niya.

"Cap?"

Nagmulat ako ng mata at hinayaan silang lumapit sa akin habang naka talikod ako. Bahagya ko silang liningon at nakita si Violet at Ramon sa likod ko.

"Tawagin na ang iba. It's time." Mahina kong bulong.

Lumingon ako muli sa labas at nakaramdam ako ng paghihigpit ng puso. Kinakabahan ako.. natatakot din ako. Kahit kailan ay hindi ko pa naramdaman ang takot na ganito. Kahit noong una at final exams ko ay hindi ako natakot ng ganito.

"Paano po si De la Fuente?" Nag aalalang tanong ni Violet.

Sa munting tanong niya ay kumalabog ang puso ko.

Nakakatawa talagang isipin na ang lalaking minsan kong kinamuhian at pinatay patay sa isip ko ay ang siyang pinoprotektahan ko ngayon. Hindi dahil sa trabaho ko.. kung hindi dahil sa puso ko.

I'll be his soldier. His very own soldier..

"Iwan niyo si Riko doon. Sabihin mo, bantayan siya." Utos ko.

Hindi ko sila magawang lingunin dahil nanunubig ang mga mata ko. Bumuga ako ng hangin para kumalma ang puso ko.

"Roger." Ani Ramon.

Hinayaan ko lang silang lumabas at tawagin ang iba. We can't use our walkie talkies here, mahahalata kami kaya kailangan gawin ang mga plano ng maingat.

Hinawi ko ang buhok ko pero natigilan ako sa nakita ko. Naningkit ang mga mata ko ng magbukas ang ilaw ng Hotel kung saan sigurado akong nandoon ang Tito ni Markus. Exact floor and exact room. Kailangan ko nalang siguraduhin na siya nga ang nasa kwartong 'yon.

Humakbang ako patalikod dahan-dahan at tumalikod. Kusang tumaas ang mga balahibo ko dahil sa takot. Bumukas ang pintuan at unang pumasok si Ramon. Itinaas ko ang kamay ko para sabihing tumigil sila sa pagpasok.

"Ramon.. pumunta ka sa upuan ni Markus. Sit there." Mahinang utos ko pero sinigurado kong rinig niya.

"Huh? Okay.." nalilitong wika niya at sumunod.

Umupo siya doon at sumunod na pumasok sila Violet. Sinenyasan ko silang dumapa at mabilis naman silang sinunod. Napahawak ako sa damit ko dahil sa kaba. Inilibot ko ang tingin ko sa buong opisina at parang nanghina ako nang makita ang naglalaro na pulang bilog sa pader ni Markus.

"Tang'na." Rinig kong mura ni Geric.

"We need to execute the plan." Madiin kong wika.

"But.." Kina traced.

"I gave myself a choice. Sabi ko, kung wala siyang gagawing masama kay Markus. Hahayaan ko siya at hindi ko gagawin ang plano pero ito siya at linalagay sa palad niya ang buhay ni Markus. Guess what? I won't allow it."

MONTGOMERY 2 : I'll Be Your SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon