Hide
"Are you sure, you're okay?"
Tumango ako sa tanong ni Tulip. I know she's just worried. Pinunasan ko ang mga luhang natuyo na sa mukha ko at ngumiti sa gawi niya. Kanina ko pa napapansin na maya't maya ay titignan niya ako para icheck kung okay lang.
"I'm okay.." mahinang bulon ko.
"We can go back if you want to." Aniya.
Maagap akong umiling. This is my choice, hindi ako pwedeng agad na bumigay. Kung masakit, tiisin ang sakit. Pag hindi na kaya, tiisin pa rin.
Tutal, nasagot naman ang mga tanong ko. Iniisip pa rin niya ako at okay na siya. 'Yun lang ay okay na.
"I'm fine, Tul. Part lang 'to ng buong pangyayari. Of course it won't be easy lalo na sa feelings involve pero alam kong magiging okay din ako. Just like you right? Ayos ka na ngayon. It will take time pero darating din ako." Saad ko.
Sandali niya ako tinignan at hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Napakagat siya sa kanyang labi at bumuntong hininga. Naiyukom ko ang mga palad ko. Wala pang twenty four hours pero bumigay na ang kalahati ng puso ko.
"I don't know, Gath. Masyadong mahirap na daan ang tinatahak mo." Aniya.
Tumango ako. "I need to face this. Thank you, Tul. Thank you for being here." Saad ko.
"Wala 'yon. I will always be here." Nakangiti niyang wika.
Sumandal ako sa upuan at malungkot na ngumiti. Hinayaan ko nalang na kainin kami ng katahimikan at pinagmasdan ko nalang ang daan na tinatahak namin.
Pinarada niya ang kotse niya sa harap ng isang building. Tumingin ako sa labas at nakita kong maraming kotse na nakaparada. Inayos ko ang sarili ko at lumabas na ng kotse. Mabilis akong lumapit kay Tulip at sinabit ang braso ko sa braso niya.
"Let's go." Excited niyang sabi.
Napangiti ako. She's really excited. Masaya ako na ginagawa niya 'to para sa sarili niya. Masyado na siyang maraming sinakripisyo para sa pamilya.
"I hope hindi ka ma bore." Nag aalalang wika niya.
Umiling ako at ngumuso.
"Just enjoy. Don't worry about me." Wika ko.
Tumango siya at tuluyan na kaming pumasok sa loob. Linibot ko ang buong tingin ko sa mga artworks na nakasabit sa pader. May mga sculptures din doon, may mga iba't ibang crafts.
"Gath! Ayun yung artist! She's the one behind these works!" Puno ng pagkamanghang wika ni Tulip.
Hinanap ng mga mata ko ang babaeng 'yon. Nang makita ko siya ay agad kong na conclude na nasa middle thirties na siya. If I am wrong, wow... she looks young.
"Let's go! Lapitan natin!" Sabi ko at hinila si Tulip doon.
Nakuha namin ang atensyon niya at mabilis siyang lumingon sa amin. Ngumiti ako at hinayaan si Tulip na magpakilala. This is her day, she should make the most out of it.
"Hi Ms. Carmela Cruz. I am Tulip Montgomery, thank you for inviting me here." Puno ng kasiyahang wika ni Tulip.
I was just watching the woman. Her eyes.. I've seen it before, hindi ko lang maalala kung saan.
"No problem! Masaya ako na pinaunlakan mo ang imbitasyon ko." Aniya habang nakangiti.
"Hey mom."
Naputol ang pag iisip ko nang may lalaking sumabat at hinalikan sa pisngi si Ms. Carmela Cruz. Binalingan niya kami at ngumiti sa amin.
Mom? No wonder, mag kamukhang magkamukha sila. Ms. Carmela is really beautiful and elegant, I can see my mom through her while this man is.. okay lang. Medyo costly and mga puri ko.
BINABASA MO ANG
MONTGOMERY 2 : I'll Be Your Soldier
RomanceAgatha Joan Montgomery is what you can call 'The Extraordinary'. She is not the typical rich girl with branded bags and clothes. She is the girl with guns and bullets. Instead of malls and parties, it's field and missions for her. Matagal na niyang...