I Like Him Too

48 5 0
                                    



Yesterday, May 9, 2016 was the election day. I volunteered as Help desk representative for the PPCRV. Hindi man ako bayad kagaya ng ibang poll watchers from different politicians, I super enjoyed it naman. Wala man kaming bayad, busog naman kami.

From morning until afternoon I was there at paikot-ikot to observe and to distribute foods para sa mga kasama ko na nasa loob ng botohan.

Yesterday madaming food chains ang nag-offer ng kung ano-ano para sa mga botante. Free upsize ang offer ng DQ on their selected flavors. Sa Starbucks naman buy one share one ang offer nila sa mga bumoto, pero caramel or hazelnut macchiato lang ang kasama sa promo na 'yon.

Week before the election day, nag-usap or rather biniro ko na si C na ilibre niya ako, and he said yes naman. Since wala kaming tyaga na pumila ng sobrang haba, we decided na sa Krispy Kreme na lang kami kahit wala namang promo doon. Wala yung mga donuts na gusto ko. Padating pa lang yung delivery in thirty minutes. Labas ulit kami, and we settle na lang sa DQ dahil hindi naman ganong kahaba ang pila.

After namin mag-order sa DQ, bumalik kami sa KK to check if dumating na ang donuts. Wala pa rin. Nagpapabili kasi ang kapatid ko ng donut kaya kahit na anong flavor lang patol na. Libre niya, haha. Lucky me!

After naming makuha ang ice cream na order namin, naglakad-lakad lang kami saglit at saka kami nagpunta ulit sa Sta. Maria para kumain ng dinner, sizzling naman. After dinner, akala ko uuwi na kami pero bigla na lang siya nag-aya ng roadtrip.

Nagpunta kami sa Norzagaray, Bulacan. Nagpunta kami sa isang part ng lugar na kung saan may overlooking. Ay grabe lang. Feeling ko nasa Antipolo lang ako minus the cool breeze.

While riding the motorcyle, biglang nakita ulit ni C yung miniature ng Eiffel Tower kaya ang sabi niya dadalhin niya ako doon! O diba, exciting.

Hindi naman na kami huminto, binagalan na lang niya yung takbo ng motor.

Habang nasa daan kwentuhan at adaran na walang humpay din naman kaming dalawa. We talk about anything and everything under the stars while riding the motorcycle.

Around ten thirty na yata niya ako naihatid sa bahay. Pumasok pa siya sa bahay para magmano sa nanay at tatay ko para magsabi rin na uuwi na siya.

Well, they both like him. My brothers like him too. I like him too.

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon