Regrets

32 3 0
                                    


Habang nasa byahe ako papasok ng trabaho, naisip ko ang asawa ko.

Naisip ko bigla yung time na nanghinayang at nainggit ako sa current girlfriend niya that time. Naisip ko bigla na, paano kung hindi kami naghiwalay? Paano kung kami pa rin mula noon hanggang nung panahon na 'yon?

Ano nga ba yung pinanghinayangan ko noon? Iyon yung nakita ko kung paano siya magmahal, iyong effort niya na mapalapit sa pamilya ng partner niya. From the start alam ko naman na ma-effort talaga siya, that he will do anything he can for the one who matters to him.

I may look like a stalker visiting and viewing his profile, pero pakelam ko naman. Siguro parusa ko 'yon sa sarili ko dahil sa lahat ng katangahan na nagawa ko sa buhay ko. So iyon nga, simple posts na magkatabi at magkasama sila inggit naman ako. Naisip at nasabi ko tuloy sa sarili ko na, "Sana ako na lang ulit. Sana ako pa rin. Sana..."

Ang dami kong sana nung time na 'yon. Sa dami ng 'sana' ko, pinakinggan pa rin ako ni Lord. See? Asawa ko na ang lalake na pinakawalan at sinayang ko noon.

Kapag nabasa 'to ng asawa ko, hindi ko lang alam kung kikiligin siya o lalaki ang ulo niya o kaya naman aasarin ako ng sobra o NR lang siya as in no reaction.

To my husband who loves telling stories to me but seldom talk to our baby in my womb, to the man who I want to stay by my side forever, to the man who I want to see every morning when I wake up and before I doze off at night, happy seventh month of crazy but happy married life. I love you!

By the way, sa July 10 pa ang seventh month wedding anniversary namin. Ipapabasa ko 'to sa kanya sa July 10 mismo.

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon