Hindi lahat deserve at nabibigyan ng second chance. Second chance sa love, sa work, sa school, sa life. So when you got one, treasure it, cherish it.C and I got our second chance. And minsan hindi pa rin kami makapaniwala. Lalo na siya.
Napaka-lala ng pagiging moody ko nung college ako. Sobrang igsi pa ng pasensya ko. Kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko talaga. But I changed. Hindi ko namalayan nagbabago na pala ako unti-unti. Ngayon kaya ko ng ma-control and mood ko, humaba na rin ang pasensya ko, and of course nag-mature na yung isip ko. Nag-mature yung isip ko pero madalas power-tripper pa rin ako, malakas mang-asar at bwisit.
I was his first love, inamin niya yon sa kaibigan ko and sinabi rin naman niya yon sa akin. Ang tagal na naming wala, pero iyon nga, he's making way para magkita pa rin kami kahit nga wala na kami. Hindi ko naman binibigyan ng malisya 'yon, friends lang tingin ko sa kanya noon.
Ang swerte ko talaga sa kanya. Mula noon hanggang ngayon mahal niya ako.Eto na yung second chance namin. Eto na yung last part ng kwento namin para magkaroon na kami ng happily ever after namin.
Masyado pang maaga para isipin na mag-settle down, ngayon lang ulit kami nagsisimula pero gagawin namin ang lahat para eto na talaga. Eto na yung pang-matagalan, eto na yung huli.
+++
I wrote a letter for him, kasi may text din siya sa akin na saksakan ng haba. Next update, ipapabasa ko sa inyo yung sulat na ginawa ko para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Random Thoughts
No FicciónThis isn't a story. This is my personal journal of my thoughts. My Random Thoughts