Cry Baby

36 1 0
                                    



So... Last Saturday wala si jowa, nasa Morong, Bataan with his friends kaya hindi kami nagkita. Nagkakatext naman, pero mostly kapag hapon at gabi lang. Namiss ko talaga siya ng bongga. Hindi na kasi ako sanay na hindi siya nakikita araw-araw. Sinanay niya kasi ako na araw-araw kaming nagkikita at nagkakasama, araw-araw niya rin kasi akong sinusundo from work.

So ayun nga... Kahapon birthday ng kapatid ni Lola, and may konting kainan. Medyo late na s'yang nakarating kasi may bitbit pa kasi s'yang cupcakes fresh from Mr. Cupcakes from Guagua, Pampanga. (Masarap, hindi siya masyadong matamis kahit na triple chocolate na yung kinain ko kagabi.)

Ipinakilala ko siya sa mga kamag-anak ko sa mother side. After that umuwi na kami sa bahay. Pagdating nagkwento agad siya ng mga nangyari sa kanila sa Bataan na hindi niya naikwento sa text. Okay pa ako, I love hearing his stories with his friends.

Nag-umpisa ang inis ko sa kanya nung hindi na niya ako pinapansin kasi puro cellphone na lang ang hawak niya. Tumahimik na ako. Kinakausap ko naman siya pero tanong-sagot lang kami, and what annoys me more is hindi niya mahalata na naiinis na ako sa kanya.

After dinner, sinabi ko sa kanya na naiinis ako sa kanya. He keeps on asking why, pero hindi ko magawang sabihin sa kanya ng personal. Why? Kasi naiiyak ako. Iyakin kasi talaga ako. Okay lang naman na umiyak, pero ayokong umiyak sa harap niya kasi ayaw niya na nakikita na umiiyak ako.

Nag-type lang ako sa phone ko kung bakit ako naiinis sa kanya, saka ko pinabasa sa kanya. After ko ibigay yung phone ko yumuko na ako sa likod niya kasi naiiyak at nahihiya na ako.

"Hindi na nga tayo magkasama kahapon cellphone pa more ka pa ngayon.

Kaya hindi ko masabi sa 'yo kasi maiiyak ako. Eh ayaw mo naman na umiiyak ako."

He keeps on saying sorry after that. Tango lang ako, kasi kapag nagsalita ako maiiyak na naman ako. I just hugged him tight. He kissed my forehead. Okay na kami. Tumulo na naman luha ko.

Good thing sinisipon na talaga ako kagabi at sneeze ng sneeze kaya hindi halata na naiyak ako, hindi napansin ng nanay ko. 😃

So yeah, iyakin ako. Iyakin talaga ako. Ipapanood niyo sa akin ang A Walk To Remember kahit napanood ko na, paniguradong iiyak at iiyak pa rin ako. Ipapanood niyo sa akin yung movie na may kinalaman sa family, iiyak din ako.

***Malapit na kaming mag-two months ni boyfriend! Yehey!!!***

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon