Self Medication

18 1 0
                                    


As a mother, of course we want what's best for our child. We tend to worry too much kapag parang may sipon or ubo ang baby natin. Nakaka-praning naman talaga because we want out baby to be healthy and away from any illness. But we can't control that, darating talaga yung pagkakataon na magkakasakit ang baby natin even if don't want to.

Member ako ng ilang closed group sa Facebook about motherhood. Hilig ko ang magbasa kaya naman nababasa ko yung mga posts and questions nila to other fellow mothers.

Hindi ko alam kung bakit pinipili nila na i-self prescribed ang mga babies nila na may sakit like ubo or sipon. I'm not against them, kasi kung ako ang tatanungin ayoko mag self-prescribed especially na may G6PD ang baby ko.

Magastos ang magkaroon ng anak, lalo na kung newborn. Pinapa-well baby namin ang baby ko, and that is every month. May sakit man siya o wala, we bring him to his pediatrician. Oo magastos, but my husband and I just want to make sure that everything is fine with him. We have to make sacrifices for our baby, iyong titipirin mo yung sarili mo just to make sure na may fund ka for baby just in case of emergency.

I know alam na ng parents natin ang dapat gawin kapag may sakit ang isang baby, been there, done that na sila, but everything changes in blink of an eye. May bagong gadgets every month minsan nga every week pa, pero may mga bago ring sakit na naglalabasan.

Ang mga baby kasi hindi naman sila nakakapagsalita para sabihin kung ano ang masakit sa kanila at kung okay lang ba sila. First time mother ako, kaya ayokong isugal ang kalusugan ng anak ko, masyadong siyang mahalaga at mahal ko para isugal siya. Kaya nga pinagkakatiwala ko siya sa mga mas may alam, his pediatricians.

Ayoko ng maulit na kailangan pa niyang ma-confine. He's too young for that. Kaya nga hanggang maaga pinapa-check up ko na siya. Hindi kami mayaman, pero masinop kami kaya naman napapa-check up namin siya.

You don't have to be rich para lang maipa-check up ang anak mo kapag may sakit siya, kailangan lang na maging maparaan at madiskarte ka.

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon