More Than Blessed

28 2 2
                                    



Last December 30, 2016, I received the most precious and the very best post-Christmas, advance birthday and new year's gift ever.

I'M PREGNANT!!!

Yes! I am! At wala ng mas gaganda pa yata sa regalo na natanggap ko. Truly God is so amazing and knows the perfect time!

To confirmed, nagpunta agad kami sa OB-Gyne for check-up. CONFIRMED! I really am pregnant!

Last January 25, check-up ulit. Si Doc Mae Ann na ang OB ko, at ni-ultrasound niya ako to see the little bean inside me and to hear its heartbeat. Sobrang saya ko to know that my little angel is healthy and hear his/her heartbeat.

Hindi naman ako masyadong nahirapan sa first three months of my pregnancy. Gusto ko lang na laging tulog. Corned beef at ma-bawang lang na pagkain ang ayaw ko, pero kailangan kong makain ang kahit na anong pagkain na maisip ko. Usually spaghetti na saucy at mangga na hilaw lang naman ang trip ko, so hindi ko masyadong pinahirapan si hubby. Nahirapan lang siya dahil mas lumala ang mood swings ko. May panahon na kapag wala siya sa bahay, gusto ko umuwi agad siya. Pero kapag kasama ko naman siya nabubwisit lang ako sa kanya, ayaw ko din siyang yakapin.

Check-up ko yesterday, and twelve weeks and a day na si baby. Ultrasound ulit. Nakita namin ni hubby na healthy si baby at malikot siya, normal din ang heartbeat niya.

Until now, hindi pa rin ako makapaniwala. Sobrang saya ko. Sobrang saya naming mag-asawa dahil binigyan agad kami ni God ng baby. Kahit hindi sabihin ng parents ko, alam ko na super excited na rin sila lalo na ang tatay ko. Yung bunso ko namang kapatid, alam ko na excited na rin siya at kapag nag-request o may pinasuyo ako sa kanya, sumusunod siya agad.

Dati kasi at hanggang ngayon ay nanghihiram lang kami ng bata na pwedeng alagaan, pakainin, patawanin, at paiyakin. Pero ngayon, malapit na kaming magkaroon ng sariling baby na aalagaan at bubusugin ng pagmamahal.

Well, what can I say?

I'm more than blessed!

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon