Maligalig

26 1 0
                                    



Grabe yung feeling!!!

Nakakagulat na masaya sa pakiramdam na maramdaman mo yung movement ng baby sa tummy mo. It was like a bubble popping inside your womb.

Ang likot ng baby ko kapag matagal na akong naupo. Naglalaro yata sa loob at nililibang ang sarili niya.

Three days na simula ng maramdaman ko ang kilos niya, kaya naman three days na rin akong masaya at laging pinapakiramdaman siya.

Kagabi inaabangan ng asawa ko na gumalaw si baby, pero nakatulog na kami pero mukhang napagod siya kaya hindi na siya gumalaw. Around two or three ng magising ako, hindi nagtagal naramdaman ko na gumagalaw siya, pero hindi kasing ligalig kapag umaga. Kaya kahit tulog ang asawa ko sinabi ko sa kanya na gumagalaw si baby at kinuha ko ang kamay niya kung saan nararamdaman ko na gumagalaw siya.

Hindi ko lang alam kung naramdaman niya ba talaga kagaya ng sabi niya, o nakatulugan na lang niya.

As of this writing, maligalig na naman ang bebe ko!

Best feeling ever!

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon