Vacation

29 0 0
                                    


Last Holy Week, we spend it out of town. First time na umalis kami ng Holy Week, and super sulit naman ang pagod sa byahe. Sa Vigan at Baguio kami nag-Holy Week.

Umalis kami ng Wednesday night around eleven in the evening at dumating kami sa Vigan around nine in the morning na yata the next day. Naghanap lang kami ng bahay na matutuluyan at naligo, tapos umalis na kami papunta ng Paoay Church.

Nung nasa Paoay Church na kami, napansin namin ng asawa ko na parang bigla yatang lumaki ang tummy ko, biglang lumaki si baby!!!

Parang masyadong nag-enjoy ang baby sa tummy ko sa byahe, haha!

After ng Paoay Church may iba pa kaming pinuntahan na mga simbahan para na rin mag bisita iglesia.

The next day sa Baluarte naman kami nagpunta, after that sa Batay Church and tower naman kami nagtapunta then nag-lunch na kami. Right after lunch nag-byahe na kami papuntang Baguio.

Sa haba ng byahe, napagod talaga ako. Pagdating ng Baguio at pagkababa ng gamit sa bahay na tutuluyan namin, nag-dinner na kami at tumuloy sa Burnham Park para ipasyal ang dalawang bata na kasama namin. Though maraming tao sa Baguio, you can still feel and enjoy the cool breeze. Yes, malamig pa rin talaga.

Naisipan pa nilang mag-night market. Pagod na pagod talaga ako. Feeling ko nga hindi ko na kayang maglakad pabalik sa tinutuluyan namin, nakaya ko naman. Kinaya ko para makapagpahinga na rin ako.

The next day, last day ng bakasyon... Sa Wright Park at Mines View Park na lang kami nagpunta. Yung bata kasi na kasama namin gustong sumakay sa kabayo kaya sinuportahan na namin dahil minsan lang naman din sila makapag-byahe.

Nagsisi naman ako at naglakad pa ako sa Mines View dahil talagang sagad ang pagod ma naramdaman ko. Masakiy ang binti ko, and parang kumirpt bigla ang tyan ko. Nagdahan-dahan na lang kami sa paglalakad pabalik ng sasakyan.

Bumalik lang kami ng Burnham dahil mamimili sila ng pasalubong sa palengke doon, mas mura kasi doon ang tinda lalo na ang mga walis. Nagpaiwan na lang kami sa sasakyan at nagpalipas ng oras sa damuhan kung saan kami nagpahinga at naghintay sa kanila.

After namin mag-lunch nag-byahe na kami pauwi. Mahirap gabihin sa daan lalo na kapag pababa. Sa Kennon Road na kami dumaan pauwi para mas mabilis. Around 2 yata kami bumaba, 9:30 na siguro kami ng gabi nakauwi dahil dumaan pa kami saglit sa Manaoag Church.

The whole vacation was awesome! First time namin mag-bakasyon ng Holy week! First time ko rin mag-travel na may asawa na, at buntis pa!

So yeah!!!! Mauulit pa ang bakasyon namin!

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon