Next Big Step?

51 6 7
                                    



Before ang ideal age of getting married ko was twenty five or twenty six, pero hindi rin naman nasunod dahil single ako ng mga panahon na 'yan. Kung hindi man, hindi ko makita yung sarili ko na mag-settle down kasama kung sino man ang jowa ko that time. As in hindi talaga.

Now, I can see myself settling down with my boyfriend. Well, we both see each other like that.

Alam niyo yung feeling na parang ang tagal niyo ng magkakilala and ready to take one step forward, which is yung pag-aasawa. I can be so makulit and maloko with him. He can stand on my mood swings, mahaba talaga ang pasensya niya na kailangan ng kung sino man na makakatuluyan ko.

Madaldal siya and he can make me laugh so hard na hindi ko yata na-experience sa past relationships ko. He collect me from work then sa bahay na siya magdi-dinner and stay until I asked him to. Kapag oras na ng uwian, lagi siyang hirap na magpaalam umuwi. Kung pwede nga lang daw hindi na siya uuwi or iuwi na lang niya ako sa kanila.

He gets long with my brothers which is good. Medyo nahihiya pa rin siya sa parents ko since si tatay naman tahimik lang talaga. Intimidated and medyo natatakot siya kay nanay dahil sa masungit ang mukha niya.

Sa ngayon hindi ko pa masasabi kung kailan darating yung time na magiging mag-asawa na kami. We want to take things slow, not for us but for our family. Hindi naman niya pwedeng sabihin sa pamilya niya na mag-aasawa na siya, eh hindi pa nila ako nami-meet personally. Yes kilala nila ako based on his stories, pero yung makita nila ako at makita ko sila ng harapan hindi pa.

Hopefully one of these days of June, ma-meet ko na ang family niya.

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon