Late Entry

65 6 8
                                    



Hello!!! I'm back!!!

Ilang araw din ako na hindi nakapag-post ng update para dito o sa kahit na anong story ko.

Medyo busy kasi lately at hindi maasikaso. Simulan na natin ang kwento.

Nabanggit ko sa isang update ko na nag-crave ako ng kwek-kwek, kaya last May 19 naisipan ko na bumili na talaga at kumain. Nabanggit ko yun kay C kaya sabi niya kita na lang kami kung saan ako binili. Wala namang problema, alam naman niya kung saan ako bibili. Naisipan kong isama yung inaanak ko kasi mahilig din siya doon.

Pagdating namin doon, nagturo agad ang kasama kong bata. Fishball, kikiam, at kwek-kwek. Nahiya pa nga, hindi pa nagpabili ng hotdog. Habang busy kami sa paghihintay, kinukulit ni C si Yuan, yung bata na kasama ko.

Ayaw sumama ni Yuan kahit pa sinabi na bibili sila ng ice cream. Ayaw niyang sumama pero hindi naman nagtagal nakipag-kulitan na siya kay C.

Pauwi na kami, sabi ko kay Yuan sabihan niya ng ingat si C. Nagulat ako, rather kaming dalawa ni C dahil ang sabi niya "ingat! Labyu!"

Pinag-usapan namin tuloy ni C si Yuan.

***

Everyday pa rin naman kami magka-text ni C. Nung isang araw almost three hours kaming magkausap thru phone. Kumanta siya. Madaming kanta. Kung ano ang sa tingin niya na alam ko at gusto ko. Madami din s'yang kinanta na patama, palipad-hangin ba.

Sinabi ko sa kanya yung isa sa favorite song ko, si Justin Timberlake yung kumanta. Maganda siya, lalo na kung iisipin mo na yung kumakanta ay yung lalake na gusto mo.

Kagabi naman hindi kami masyado nagkausap sa text kasi masama pakiramdam ko, hindi rin natuloy yung gala sana namin. Pero mga bandang two ng madaling araw, nagising ako kaya nagkatext pa kami.

Eto naman yung isang part ng usapan namin kanina lang.

Birthday kasi ni Mudra today kaya date kasama ang pamilya talaga ang sinabi ko sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Birthday kasi ni Mudra today kaya date kasama ang pamilya talaga ang sinabi ko sa kanya.

Natawa talaga ako nung tina-type ko yung text ko na 'yan. At natawa din ako sa naging sagot niya.

Takot talaga siya humarap sa parents ko, pero nung swimming sumama. Hahaha!

Sa Sunday may maiku-kwento ako sa inyo. Abangan!

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon