“Ang ganda mo.” Hindi lang bumagal ang takbo ng oras sa paligid ko, kundi tumigil na ito ng tuluyan.
Nabibingi ako. Nanghihina ako. Nanlalambot ako. Hindi ako makahinga. Mamamatay na ba ako? Pero bakit parang hindi. May nararamdaman akong mainit na bagay sa kamay ko. Bat parang may mga tumutusok sa likod ko? Bat parang may mga bubuyog akong naririnig sa paligid ko? Ano ba talagang nangyayari?
Hanggang sa bigla na lang tumaas ang kamay ko ng wala sa aking kontrol. Hanggang sa may malabot na bagay na dumampi sa likod nito. Hanggang sa isang isang ngiti ang makita ko, saka ako bumalik sa realidad. Sa isang kisap mata ay naiproseso agad ng aking utak ang mga nangyari. Kanyang kamay pala ang nararamdaman kong mainit na bagay kanina. Sya rin pala ang umangat nito at lalong-lalo palang ang mga labi nbya ang malambot na bagay na naramdaman kong dumampi sa kamay ko kanina. At ang mga labing iyon ang mismong nagbalik sa akin sa realidad dahil sa magaganda nitong ngiti. I almost suffered from hyperventilation. Surely, it’s the first time that something like that happened to me.
Narinig ko na rin ang mga binubulong sa akin ng mga kaibigan ko sa likod ko. Itinutulak nila ako papalapit kay Louie at ini-encourage sa “date” kuno namin. I can also hear their giggles as they chant they support for me. Lumingon ako sa kanilang direksyon at sure enough, malalaking ngiti ang nakapinta sa kanilang mga mata. I felt Louie tag my hand and I returned my attention to him.
“Let’s go.” Nakangiti nyang anyaya sa akin. Tumango na lang ako at dahan-dahang inutusan ang mga paa kong gumawa kahit isang hakbang. When I almost tripped, I heard the girl’s burst their laughter towards me. I turned my head seeing my friends doubled their bodies as they laughed so hard. I gave them a glare which gave them another fits of laughter. I just wink at them and stuck out my tongue in their direction. That did it. They immediately stopped laughing, and it’s my turn to chuckle. I turned my head back to Louie.
Maya-maya na lang ay nakarating na kami sa aming table which is medyo sa tahimik na parte ng canteen. Binitawan na nya ang kamay ko at umupo kami parehas sa aming upuan. Nakangiti pa rin sya sa akin habang pinagmamasdan nya ako. I started to squirmed from his gaze.
“Bakit?” nahihiya kong tanong sa kanya. Hinawakan ko ang mukha ko na parang may pupunasang dumi dun.
“Wala naman.” Sagot nya.
“Eh bat ka titig na titig sa akin?” Pagtataka kong tanong sa kanya. Sobra kasi syang makatitig, sobra na tuloy akong nahihiya lalo na at nandun pa rin yung mga ngiti nyang yun.
“Hindi kasi ako makapaniwala eh.”
“Saan?”
“Sayo.”
“Huh?”
“Hindi ko kasi inakalang ganyan ka kaganda.” Napangiti ako sa hiya sa kanyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Twisted Fairytales: Rapunzel's Teacher
RomanceHi. Ako nga pala si Maria Carolina A. Mendrez. 20 years old. BS Agriculture student. Dean's Lister. Top in the class. Miss Goody-two shoes. SINGLE. VIRGIN. LOCKED UP. IGNORANT. And it's time for me to CLIMB DOWN. WARNING: MATURE CONTENT This story...