Hi guys! Last chapter na po to. Thank you po sa mga patuloy na nagbasa into. Thank you very much! Sana po suportàhan nyo rin yung iba Kong stories. Ciao! :)
Lesson 18
Nagising akong nakakaramdam ng sobrang sakit ng katawan lalong-lalo na sa mga maseselang bahagi. Narinig ko ang aking sariling umuungol sa sobrang sakit.
Bakit ang sakit ng katawan ko? Tanong ko sa aking isipan habang dahan-dahang itinaas ang masasakit na braso upang pakiramdaman ng wasto ang sarili.
Halos mapapikit ako sa sobrang bigat at sakit ng aking mga braso na halos parang may dumurog sa mga ito. Nang magawang kong maingat ang aking mga kamay ay inilagay ko ito sa aking dibdib.
Napamulat akong bigla ng maramdaman na walang saplot ang aking katawan. Agad kong hinagod ng aking panigin ang kabuuan ng aking katawan. Lalo akong napanganga ng malamang hubo't-hubad akong talaga.
Anong nangyari sa akin? Nahihintakutan kong tanong sa aking sarili. Mabilis kong tinakpan ang aking hubad na katawan gamit ang aking mga kamay.
Noon ko lang nakuhang tingnan ang paligid ko.
Nasa sala ako. Sigurado nyang sabi sa knayang isip.
"Pero bakit nasa sala ako at nasa center table pa? Bakit masakit ang buong katawan ko?" Malakas kong naitanong nang mahanap ko ang aking boses.
Muli kong iniikot ang aking mga paningin at nakitang nakahandusay sa carpet si Louie at tulog na tulog habang nakabukas pa ang zipper ng kanyang shorts at nakalabas ang kanyang pagkalalake.
Isang malakas na tili ang lumabas mula sa aking bibig ng biglang bumalik sa aking katinuan ang mga pangyayari.
Hindi ko na naintindihan pa ang mga ginagawa ko. Nakita ko na lang ang sarili ko sa aking kwarto at nagmamadaling nagbihis at nag-empake ng mga gamit.
"Kailangan ko ng umalis dito. Kailangan ko ng umalis." Pauulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili.
Sa aking sobrang kaba at pagkataranta, hindi ko na namalayang nagising palang bigla si Louie. Narinig ko na lang ang mabibilis nyang mga yabag papunta sa kwarto.
Noon ko lang napansin na naiwan ko pa lang bukas ang pinto ng kwarto sa sobrang pagmamadali. Akma ko sana itong isasara at ikakandado ng maunahan ako ni Louie.
Agad-agad syang pumasok at humarang sa pinto bago nagtatatanong, "Bakit? Bakit? Anong nangyari?"
Napatigil ako at napatingin sa kanya at nagtataka lalong-lalo na sa kanyang tanong na tila ba wala syang naaalalang mga nangyari. Despite of my frantic heatbeat and the need to escape, I still noticed how Louie was still disoriented. May nagtataka syang tanong sa kanyang mga mata habang hapong-hapo at nakatitig sa akin.
Hindi ko na lang sya pinansin at nagmadaling ipinagpatuloy ang aking pag-eempake. Nang mapansin nya ang aking ginagawa, agad syang lumapit sa akjn at hinawakan ang aking kamay.
BINABASA MO ANG
Twisted Fairytales: Rapunzel's Teacher
RomanceHi. Ako nga pala si Maria Carolina A. Mendrez. 20 years old. BS Agriculture student. Dean's Lister. Top in the class. Miss Goody-two shoes. SINGLE. VIRGIN. LOCKED UP. IGNORANT. And it's time for me to CLIMB DOWN. WARNING: MATURE CONTENT This story...