Lesson 2

25.8K 208 20
                                    

            A boy had just kissed me! For the first time, somebody had kissed me! And then I can’t stop smiling…

 

           

 Lesson 2

 

            Masipag akong estudyante. Lagi akong nakikinig sa mga  private teachers ko dati. Lagi rin akong kumukopya ng notes at sumasagot sa questions. Pero bakit hindi ko na magawa yun? Mula kaninang umaga, mula ng makita ko sya, hanggang ngayon, parang wala ako sa sarili ko. Ni hindi ko man lang nahawakan ang ballpen ko at nasulatan ang notebook ko. Lumalampas lang din sa kabila kong tenga ang sinasabi ng prof ko sa una. Isa lang ang nakikita ko. At sya yun…

            “Maria…”

            “Maria…”

            “Maria!”

            “Huh?!” nagulat kong sabi kay Ginneth na syang katabi sa upuan.

            “Kanina pa kita tinatawag, hindi ka sumasagot. Ang lalim ng iniisip mo ah…”

            “Ha? Wala yun…”

            “For sure, iisa lang ang iniisip nyan Ginneth.” Sabi naman ni Steph.

            “Oo nga! Si Louie ang iniisip nyan!” masiglang pangangantyaw ni Peachy.

            “Hindi no!” nahihiya kong sagot sabay tungo.

            “Hindi daw, eh sobra kung mamula.” Natatawang sabi ni Ginneth.

            “Ayyiiieee!!! May crush na sya!” malakas na tawa ni Peachy.

            “Hindi nga sabi eh…” pinagtutulungan na nila ako.

            “Psh… sige lang, deny lang…” sarkastikong sabi ni Steph.

            “kasi naman eh…”

            “Hay naku, kumain na lang tayo at nagugutom na ako.” Sabay sabi ni Ginneth.

            “Lunch na ba?” pagtataka kong tanong sa kanya.

            “Opo. Kaya nga kita tinatawag eh. Kung sinu-sino kasi ang iniisip eh…”

            “Sabi ngang hi---“

            “Oo na, tinamayo ka na lang dyan at gutom na talaga ako. Come on! Chop! Chop!” pagmamadali sa akin ni Ginneth.

Twisted Fairytales: Rapunzel's TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon