Lesson 5

14.8K 94 3
                                    

Lesson 5

 

            Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse nya ng makarating kami doon. Nagulat ako sa naging gesture nya. I just thanked him and went inside the car. Sinundan ko sya ng tingin ng umikot sya sa harapan ng kotse papunta sa driver’s seat. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya at sa nakakaakit nyang porma. Isang v-neck cashmere longsleeves ang suot nya na nagpadefine lang sa muscled upper body nya. He also wore a black maong pants paired with a suited shoes. Somehow, kahit na simple lang ang suot nya, he wore it with such confidence that would make you admire him more.

            I unconsciously kept on staring at him until he sat next to me on the driver’s saet. Napapitlag na lang ako sa aking pagtitig nang lingunin nya ako ng may ngiti sa kanyang mukha. Napasinghap ako ng unti-unti syang lumapit sa akin. Napatigil ang katawan at paghinga ko ng ilang pulgada na lang ang lapit ng mukha namin sa isa’t-isa. I can feel his every breath in my face, every twinkle in his eyes. I think I can even hear the gears in his mind working, though that’s just me being silly.

            I felt him move his hand towards me and he smiled wider when he heard my breath hitch. He reached behind my shoulder and pulled something.

            Narinig ko na lang syang nagsabi ng “Seatbelt mo.” bago nya ako kinindatan. Pagkatapos nyang ayusin ang seatbelt ko ay agad syang lumayo sa akin at ang kanyang seatbelt naman ang kanyang inayos. Matapos nun ay lumingon sya ulit sa akin.

            “Better be safe than sorry.” Natatawa nyang sabi bago sya lumingon ulit sa harapan at pinaandar ang sasakyan. Napatanga na lang ako sa ginawa nya. Nang makarecover na ako, napansin ko na lang na nakangiti na pala ako. Tiningnan ko muna sya saglit bago ko sya tinanong.

            “San tayo pupunta?” Lumingon sya ulit sa akin.

            “Sa date natin.” Obvious ba? Bigla kong naisip. Muntik ko nang batukan ang sarili ko sa naisip kong yun. Inayos ko na lang ang sunod kong itatanong.

            “San ba ang date natin?”

            “May reservation ako sa isang restaurant. Doon tayo kakain.”

            “Okay.” Tumahimik na lang ako at piniling namnamin ang pagkakataong iyon sa akin.

           

            Hindi ko akalain na ngayon ko lang naranasan ito. Buti na lang pala at napapayag ko kahit papano ang mga magulang ko, lalo na si Daddy na pumasok ako sa isang university.

            Kung hindi, wala ako ngayon dito. Kung hindi, hindi ako magkakaroon ng mga kaibigan. Kung hindi, hindi ko mararanasan ang magbonding with friends, ang matukso, maasar at kung anu-ano pa. Kung hindi, hindi ko makikilala ang lalaking ito. Kung hindi, hindi ko mararanasan ang makipagdate. Marami pa sanang ‘what if’s' ang tumatakbo sa isip ko. Good thing I decided to take risk.

            Nagulat ako ng bigla akong tanungin ni Louie.

Twisted Fairytales: Rapunzel's TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon