Lesson 17

8K 40 0
                                    

Lesson 17

 

Hinayaan ko si Louie na dalhin ako saan man nya ako dalhin. Wala na akong lakas para mag-isip pa nang kung anu-ano, lalo pa ang maglakad. Gusto ko na lang mahiga, matulog at wag nang gumising pa. I felt so exhausted, I felt guilty for bringing Louie so much trouble.

Naramdaman ko na lang na inihiga nya ako sa isang malambot na bagay. Doon ako nagising sa aking pagkatulala at iniikot ang aking mga mata. Una kong nakita ang kisame. Iniikot ko pa ang aking mata at nakita ang pamilyar na kwarto. Nasa condo na pala ako ni Louie. Doon na nya ako dinala.

Narinig ko ang mahinang pagkalampag ng mga pinggan sa kusina. Tumingin ako sa direksyong iyon na may pagtataka. Maya-maya ay nakita ko na si Louie na pumasok sa kwarto at may dalang tasa. Lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ng kama. Ibinaba nya muna ang tasa sa bedside table saka ako inalalayang umupo sa higaan.

“Uminom ka muna ng tsaa, Maria. Baka sakaling mahimasmasan ka.” Sabi nya saka iniabot ang tasa ng tsaa. Tumango ako, wala nang ganang makipagtalo, saka tinanggap ang tsaang kanyang inalok. Tiningnan nya ako hanggang sa masigurong ininom ko ang iniabot nya. Humigop ako ng kaunti at nasundan pa ito ng marami ng maramdaman ko ang paggaan ng katawan ko sa mainit na likidong ininom ko. Nagulat na lang ako ng isang saglit, naubos ko agad ito.

Humarap ako kay Louie at ibinigay ang tasa saka nagpasalamat, “Thank you.”

Kinuha nya iyon sa akin at inilapag muli sa kama. Bumaling syang muli sa akin at hinawakan ang kamay ko gamit ang isa nyang kamay at ang isa kung mukha ng kabilang kamay. Pumikit ako ng bigyan nya ako ng mabilis na halik sa noo bago nya ako tinitigan ulit.

“Wag kang mag-alala, Maria. Dito ka muna sa akin. Total, ako rin lang naman ang may kasalanan. Hindi ko hahayaang kung saan-saan ka mapunta.” Sabi nya sa akin.

“Salamat, Louie.” Tahimik kong sabi. Pero hindi iyon ang pinaka-aalala ko. Pano na ang mga magulang ko. I sob came out of me. Louie smoothed the frown on my eyebrows before he hugged me tight.

“Don’t worry, baby. Maaayos rin ang lahat. Patatawarin ka rin nila. Hindi nila matitiis ang kanilang anak.” I continued my silent sobbing as I pondered the thought. Matitiis ba nila ako, ng Daddy ko, gayong hindi naman pala nya ako anak? Sa naging itsura at reaksyon pa lang ng aking ama, natatakot na akong baka hindi nya ako mapatawad. Kahihiyan ang namayani sa akin ng makita nila ako sa ganoong posisyon. Bakit noon pa?

Hinagod lang nya ng hinagod ang aking buhok at likuran at sinubukan akong pakalmahin. Ilang saglit lang, nararamdaman ko ng bumibigat ang aking mata hanggang sa nakatulog na ako sa yakap nya.

            Ginising ako ni Louie para maghapunan bago ako hinayaang matulog muli. Linggo na ng umaga ng ako ay magising sa sikat ng araw na tumatagos sa kurtina ng bintana. Dahan-dahan kong pinakiramdaman ang paligid, still disoriented, hanggang sa maalala ko ang lahat ng nangyari kahapon. Sa oras na iyon, hindi na luha ang lumabas sa akin kundi buntong-hininga. Sa ngayon, wala pa akong magagawa tungkol doon. Alam kong mainit pa ang ulo ni Daddy at baka lalo lang lumaki ang kanyang galit sa akin kapag pupuntahan ko sya ngayon. Hahayaan ko munang humupa ang kanyang galit.

Napalingon ako sa direksyon ng kusina ng maamoy ko ang mabangong amoy ng kape. Gusto ko pa sanang matulog ng biglang tumunog ang aking sikmura. Wala na akong nagawa kundi ang bumangon at dumiretso sa banyo para mag-ayos bago pumunta sa kusina. Doon ko naabutan si Louie na hinahanda na ang lamesa. Napaangat ang ulo nya ng marinig ang aking pagpasok roon. Bumungad agad sa akin ang kanyang ngiti.

“Morning babe. Halika, kain ka muna.” Sabi nya nang lumapit sya sa akin at inalalayan akong makapunta sa lamesa at iniupo saka nya nilagyan ng almusal ang aking plato at iniabot ang kape. Nang matapos sya, naupo sya sa aking tapat at sinabayan akong kumain.

Twisted Fairytales: Rapunzel's TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon