Lesson 8
Ilang beses ko nang pinalitan ang damit ko. Isa. Dalawa. Tatlo. Pero sa huli, sa sweatpants, loose shirt at simpleng tsinelas na pambahay lang ako bumagsak. What to expect? Hindi naman ako nagpapalit ng wardrobe ko. Napagod lang ako sa kapapalit.
Agad-agad kong inayos ang buhok ko at hinayaan ko itong ilugay ngayon. Naglagay na rin ako ng lipgloss, courtesy of Peachy. Nag-spray na rin ako ng pabango. An ample amount I might say. Matapos kong magpolbo ay tinapik-tapik ko na rin ang aking pisngi para mamula-mula ito kahit kunti. However, I can’t do anything about my eyebags. I don’t know how to get rid of it, or hide it for the meantime. Sa sobrang pag-iisip ko tungkol kay Louie, sinamahan pa nung magaling namin hardinero, na hindi ko pa rin alam ang pangalan hanggang sa ngayon, hindi tuloy ako nakatuloy agad kagabi. Inabot na ako ng alas-kwatro kaninang madaling araw ng makatulog ako. Ilang oras lang din ako nakatulog dahil nagising ako kaagad. So now, I have to suffer.
Agad akong bumaba sa aming sala matapos kong mag-ayos. Tahimik sa buong kabahayan namin. Matapos naming mananghalian at mag-imis ng bahay, ay umalis na sina Nay Elise at ang kanyang anak, kasama si Mang Tinoy para magsimba at mamasyal. Mamaya pa silang mga alas-syete uuwi at binilinan kong mag-uwi na lang ng pagkain para sa akin at sa labas na rin sila kumain para makapag-enjoy sila ng ayos. Minsan kasi pag lumalabas sila, agad din silang bumabalik dahil sa pag-aasikaso sa akin.
Kahit na ilang beses na gustong tumutol ni Nay Elise sa akin ay napapayag ko rin sya. Sinabi ko na lang na kaya ko naman ang sarili ko at kung magugutom man ako ay may mga pagkain naman sa Ref. Wala na syang magawa kundi mapabuntong-hininga at umoo. Hindi rin naman uuwi ang mga magulang ko ngayon dahil may aasikasuhin pa sila at bukas pa daw ng umaga makakauwi. Kaya ngayon, solo ako sa bahay.
Tiningnan kong muli ang ayos ng bahay at saka nakuntento. Buti na lang at malinis talaga sa bahay si Nay Elise. Tsinetsek ko ang mga pagkain sa ref ng marinig ko ang doorbell. Napatayo ako agad ng tuwid at isinara ang ref saka pinakinggan ng mabuti ang doorbell.
Isang mahabang doorbell ang narinig ko na syang nagpatakbo sa akin papunta sa pinto. Iyon na ang sign na nandyan na si Louie, ang hinihintay ko sa araw na ito. Ang pinagkaabalahan ko sa araw na ito. Ang pinagpilitan ko kina Nay Elise para sa araw na ito. Araw ko ngayon. Araw kasama si Louie.
Dumiretso ako agad sa gate n gaming bahay at agad na binuksan ito. Excited na makita ang taong nasa kabila nito. Excited na makausap at makasama ulit ito. Excited para sa kung ano mang nangyari.
At iyon na nga sya, with his usual charming smile, that would make you smile in return, holding a bouquet of flowers in front of him.
Napatigil ako agad sa harap nya at tinitigan sya. Naka-gel ang buhok nya ngayon, isang simpleng t-shirt at pantalon. Pero ang hindi simple sa kanya, at kahit kelan ay hindi sisimple ay ang kanyang mukha. Ang fresh pa ring tingnan ng mukha nya, lalo na kapag nakangiti sya katulad ng ngiti nya ngayon. Kitang-kita ko ang pagtaas ng kanyang kilay sa ginawa kong pagtingin sa kabuuan nya, bago pa sya umimik, “Hi.”
“Hi.” Sagot ko sa kanya, breathless.
BINABASA MO ANG
Twisted Fairytales: Rapunzel's Teacher
RomanceHi. Ako nga pala si Maria Carolina A. Mendrez. 20 years old. BS Agriculture student. Dean's Lister. Top in the class. Miss Goody-two shoes. SINGLE. VIRGIN. LOCKED UP. IGNORANT. And it's time for me to CLIMB DOWN. WARNING: MATURE CONTENT This story...