Lesson 1

38.1K 234 5
                                    

            Kinakabahan pa rin akong nakatayo ngayon sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang sariling maghanda para pumasok sa school. One week na akong pumapasok sa school at hindi ko pa rin matanggal ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko pa rin matanggal ang anxienty at fear na nararamdaman ko. See, kahit 20 years old na ako, this is my first time to go to school, literally, kaya ganito ang nararamdaman ko. I’m not sure of what to do.


            I’m on my usual dress. Isang mahaba at peachy na palda that runs down to my ankle, isang flats, isang loose white shirt at naka-tight bun na buhok. Huminga ako ng malalim habang tiningnan muli ang sarili sa salamin.


            “Kayamo to, Maria. Relax.” I’ve been saying that to my own reflection since day one just to encourage myself. Saka ako lumabas sa aking kwarto para pumasok.


            Hinahatid ako lagi ng driver namin tuwing umaga  at sinusundo sa oras ng paglabas ko. Mas saulo pa nga yata nya ang schedule ko kesa sa akin eh. But he’s a good friend, nevertheless. Lagi kasi nya akong kinakausap habang nasa byahe kami at ini-encourage sa pagpasok ko. Since he’s been driving for my family for years, he, too, knows my story.

            “Goodluck Senorita. Sunduin na lang po kita mamaya paglabas nyo.” Nakangiti nyang sabi sa akin.


            “Salamat po Mang Tinoy.” Saka ako lumabas ng kotse at dumiretso sa room.


“AGRI 101” nakatingala kong binabasa ang room number. Nasa tapat pa rin ako ng pinto ng room at hindi pa rin pumapasok. Lagi akong maaga pumasok and I know na wala pa ring tao sa room.


            “Ano kayang mangyayari sa araw na ito?” tanong ko sa aking sarili. Sanay na rin akong kausapin ang sarili ko at hindi na yun iba sa akin.


            “Sana naman maganda ang mangyari ngayon. Kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon.” Sabay hawak sa aking dibdib.

         

   “May kumausap na kaya sa akin ngayon? I want to have some friends.”


            “Or should I be the one to make the first move?”


            “I don’t think that I can do that…”


            “But I have to…If I really wanna have some friends.”


            “Oh, Lord, please give me strength and courage to do that.”


            “Please, let me have some friends, kahit isa lang.”

Twisted Fairytales: Rapunzel's TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon