Lesson 15

6.5K 53 1
                                    

Chapter 15

Dire-diretso ako sa aking kwarto ng makauwi ako sa bahay. Halos hindi ko na napansin ang nasa paligis ko. Kung hindi lang malakas-lakas ang boses ni Nay Elise na alukin nya ako ng umagahan ay hindi ko pa sya mapapansin. Tinanggihan ko na ang kanyang alok dahil pinakain na ako ni Jared ng almusal bago nya ako paalisin.

Pagkarating ko sa kwarto, hindi na ako nag-abalang mag-ayos ng sarili. Dumiretso na agad ako sa kama at nahimbing ng pagtulog. Tanghali na nang ako ay magising at hanggang ngayoy wala pa rin ang aking mga magulang. Hinainan ako ni Nay Elisa ng tanghalian at pinilit syang sabayan ako.

Nasa nakasanayan ko na akong pwesto habang nagtatanghalian kami ng napatingin ako sa bintana at nasulyapan ko ang labas ng bahay. Halos mabitawan ko na ang aking kutsara sa pagitan ng aking pagsubo sa paghanga sa aking nakita.
Sa bintana pa lang ng aming kusina ay mapapansin ang malaking pinagbago ng hardin kumpara sa dating anyo nito. Sa bandang iyon ng kusina, kung saan naroon ang isang dulo ng hardin makikita ang isang may kalakihang water fountain kung saan naiilawan ng ibat-ibang naglalarong mga LED lights.

Sa paanan ng fountain makikita ang isang 4-feet wide na pond na sa tingin ko ay pinamamahayan na ngayon ng mga isda. Napapaligiran ang pond ng ibat-ibang laki ng tipak ng baton a lalong nagpapamukhang natural sa istrukturang iyon. Sa magkabilang tabi ng pond ay may mga hilerang mga bulaklak sa ibat-ibang kulay. Bagay na masarap pagmasdan habang nakaupo ka sa outdoor picnic area at nakikipag-usap sa iyong mga kapamiilya at kaibigan.

Sa aking tayo, bahagya mo lang makikita ang kabuuan ng picnic area, pero masasabi kong gawa ito sa magandang kahoy na lalong pinaganda ng ginamit na varnish.

Halos hindi ko na maintindihan ang pagkain ko dahil sa pagmamadali. Hindi na ako maatubiling makita ang kabuuan nito, lalong-lalo na para makita ang mga alaga kong halaman. Hindi ko na rin natulungan si Nanay Elisa na magligpit n gaming pinagkainan at iniwan na lang syang humihingi ng pasensya.

Agad-agad akong lumabas ng bahay at nanlaki ang mga mata ko ng magtama ang ganda ng hardin sa aking mga paningin. Hindi ko rin mapigilan ang pagsinghap sa sobrang paghanga. Nag-aalangan kong itinapak ang aking mga paa at ngayon ko lang napansin ang fieldstone pathway mula sa gate hanggang sa front door ng bahay.

Ang mas lalong nakapagpahanga sa akin ay ang shading planks na ginawang bubong sa buong daanan. Ang buong hardin din ay nalalatagan ng rye grass bilang lawn nito.

Hindi ko napansin ang aking mga halaman kaya agad ko itong hinanap. Dali-dali akong pumunta sa tabi n gaming bahay kung saan nandoon ang dati naming upuan at ang pansamantalang nilagyan ng aking mga halaman.

Doon ko nakita ang isang napakagandang gazebo.

Nakakahumaling ang ganda nito kaya mistulang hinihipnotismo ako nito papunta doon. Namalayan ko na lang na kusa ng humahakbang ang aking mga paa. Hinawakan ko agad at hinaplos ang strukturang iyon na gawa sa fascia boards. May tatlong upuan ito att bukas sa isang gilid. Matibay rin ang pagkakayari sa bubong nito.

Ang pinaka-nagustuhan ko ay iyong ideyang iharap ang aking mga halaman sa uupo sa gazebo. Sa ganoong paraan, mararamdaman nilang marelax habang tinititigan ito. At hindi lang ang mga alaga kong halaman ang nandoon. Nadagdagan pa ito ng samut-saring mga bulaklak, orkids at mga maliliit na puno. All I can call it was heaven.

Pasalampak akong napaupo sa loob ng gazebo at pinuno ng nakakahumaling na tanawin ang aking mga paningin. Huminga ako ng malalim at hindi ako nalungkot sa bango ng halimuyak na aking naaamoy. Napakaganda talaga. Pakiramdam ko wala na akong pakialam sa paligid ko at sapat na sa akin at sigurado akong hindi mababagot kapag nandito ako.

Napakaganda ng ginawang ito nina Jared. Wala na akong masabi pa. hanga na akong talaga sa galing nilang mag-isip at magtrabaho. Kitang-kita ko kung paano nila talagang pinagpaguran ito kaya sobrang saludo ako sa kanila.

Twisted Fairytales: Rapunzel's TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon