Lesson 11

10.3K 75 2
                                    

So, I noticed one member on my followers' list. A shout out to bunnybear! kakatuwa name mo! Cute! ^_^

Lesson 11

“Ma!” Nagulat ako ng makita ang aking inang nakaupo sa aking kama. Napabangon akong bigla at tiningnan ang aking kama. Kabang-kaba kong nilingon ang katabi ko sa kama at napahinga ng maluwag ng makitang wala na ito rito. Magulong kama lang mula sa aking pagkakatulog ang nakita ko. Tiningnan ko ang sarili ko at lalo pang napabuntong-hininga ng makitang suot ko ang pajamas ko. Buti na lang at suot ko ito. Hindi ko lang maalala kung ako ang nagsuot nito at kung anong oras.

Nilingon kong muli ang aking ina. “Ano pong ginagawa nyo dito? Kailan po kayo dumating? Nasaan na po si Daddy?” Dire-diretso kong tanong sa kanya.

“Kararating ko lang anak. Ako lang ang nakauwi ngayon. Umuwi muna ako saglit para magpahinga. Sisilipin ko na rin ang progress ng trabaho dyan sa labas. So far so good naman. I guess, by next next week, at the latest. Tapos na yun. May kailangan lang din akong gawin at kunin dito tapos aalis na ako ulit.”

Nalungkot ako bigla sa narinig ko. Nitong nakaraan, madalas na silang wala sa bahay. Lagi na lang silang umaalis at bihira na lang kung umuwi. Madalas na silang nasa business trip. Noong maliit pa ako hanggang bago ako pumasok sa school, lagi silang nasa bahay. Kung may lakad, si Dad lang ang madalas na umaalis. Ngayon ay sila nang pareho ang umaalis at ilang araw bago makauwi. Kung dati sabay-sabay pa kaming kumakain araw-araw, ngayon ako na lang. Kahit na dati pang malamig ang pakikisama sa akin ng aking ama, namimiss ko pa rin sya. Namimiss ko na silang pareho. Ngayon pa sila nawala kung kelan kailang ko ng suporta nila sa pagpasok ko sa school?

“Talaga po? Mabilis lang kayo dito sa bahay?” malungkot kong tanong sa kanya.

Hinawakan nya ang aking kamay ng marinig nya ang lungkot sa aking boses, saka sya lumapit sa aking tabi. “Pasensya na anak ha. Hindi na kami masyadong nakakauwi sa bahay.”

Minsan, hindi ko maintindihan kung bakit kung kailan ko talaga sila kailangan, saka naman sila wala. Minsan pinipilit ko na lang ag sarili kong intindihin sila ng husto. Bakit hindi, di ba? Nagtatrabaho sila para sa akin, para sa aming pamilya. How can I complain? As far as my living years are concerned, I’m living quite well. Maganda ang tirahan ko. Tatlong beses akong kumakain sa isang araw. Kung minsa sobra pa nga. Mataas din ang kalidad ng edukasyong nakuha ko. At nakukuha ko rin ang aking gusto, at their approval and supervision, at least.

But all of those seemed nothing. Don’t get me wrong. I’m thankful that I’m blessed with those things. Somehow, they’re not enough. May kulang pa rin. Something warm that would melt all the coldness around me. Something comforting where I could relax all my worries. Something fun and happy that would take all the sadness away. There’s none. Nothing. Nada. Zilch. Empty.

Something I really wanted, needed, to have. But you’ll never get all you want.

Umaasa pa rin, tinanong ko sya, “Hanggang anong oras po ba kayo dito Ma?”

“Hmmm. I think mga 6 o 7 mamayang gabi. Bakit?”

“Maaga po kasi labas namin ngayong araw. I was hoping na mameet nyo po mga kaibigan ko. Ayos lang po ba sa inyo? Pwede po bang isama ko sila dito para magmeryenda at makilala nyo na rin?” Pigil-hininga kong tanong sa kanya.

Twisted Fairytales: Rapunzel's TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon