Chapter 16
Nang nalaman ko mismo kung ano ang tunay kong nararamdaman para kay Jared, nagkaroon ako bigla ng lakas ng loob. Hindi ko hinayaan ang sarili kong sumuko na lang nang basta-basta. Hindi ko hahayaang basta na lang sya mawala ng parang bula ng hindi man lang nya ang nasa puso ko. Hindi bale nang hindi nya maibalik ang nararamdaman ko. Sapat na sa akin na malaman nya kung ano ito.
I am brave. Jared said so himself. I knew it now, personally. Jared taught me how to see myself not with my eyes but what was behind it. I have to look at myself using my heart. Hindi ko sasayangin ang mga naituro sa akin ni Jared. Ipapakita ko iyon mismo sa kanya.
Naisip ko na hindi pa huli ang lahat para makausap sya. Bukas, pagkatapos ng aking klase, hahanapin ko sya. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para lang mahanap at makausap ko sya. Hanggang sa aking makakaya.
Sinalubong ako ng isang napakagwapong Louie na may hawak na isang bungkos ng mga rosas ng pumasok ako sa kasalukuyang nagkakagulong room ng aking eskwelahan. Gulat ang namayani sa eksenang aking natunghayan. Lahat ng aking mga kaklaseng maagang dumarating sa school ay nakatingin sa akin. Lahat nag-aabang sa kung ano mang mangyayari ngayong umaga.
Bumalik ang aking tingin kay Louie. Halata ang kanyang pag-aalangan sa kanyang mukha. Binigyan nya ako ng ngiti na siguradong makalaglag-panty para sa ibang mga babae. Somehow, that smile doesn't affect me. Come to think of it, it never had.
Nagsimula syang magsalita habang lumalapit sa akin.
"Maria, alam kong mali ang ginawa ko sa iyo. Alam kong mali ang naging pagpili ko. Alam kong mahirap akong patawarin dahil sa ginawa kong iyon. Mahirap para sa iyo ang kalagayan natin ngayon at alam kong ginawa mo ang lahat para magkaroon tayo ng oras para sa isa't-isa. I've taken it for granted. I've taken you for granted. Ako ang nagkamali. Ako ang may kasalanan. At nagsisisi ako dahil doon. I only wish that you'll forgive me."
Natapos ang kanyang sinabi ng iniabot nya sa akin ang mga bulaklak. Nanatili lang ako doon na nakatayo, nakanganga, nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya. Hindi ko akalaing magagawa ni Louie ang mga ganitong bagay. Yes, kilala sya sa school, pero wala akong narinig at wala akong nakitang ginawa nya ang mga ganitong bagay sa harap ng maraming tao. Lalong-lalo na ang aminin nya na sya ang may mali. Si Louie, ang Louie na kilala ng iba na isang perpektong tao, inamin ng walang pag-aalinlangan na sya ay nagkamali. Hindi ko maiwasang mapahanga sa kanya at sa katapangang kanyang ginawa.
Hindi ko rin maiwasang mapaisip. Yes, nasa puso ko si Jared, pero Louie was still part of it. Still is. I care for Louie. I will always have, especially since knowing him and his other sides. I like his playfulness, his innocent arrogance, his sweet and caring traits and more. Gusto ko ring marunong syang tumanaw ng loob sa mga nakapagbigay ng tulong sa kanya, kahit na minsan, unti-unti na syang binubulag nito. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ako laging nag-aalala sa kanya. Mabait at mabuting tao si Louie, kaso hindi maiwasang maimpluwensyahan sya ng mga masasamang tao. Hindi ako nanghuhusga dahil lang sa itsura nila. Alam kong masamang tao sina Gerald dahil kitang-kita ko iyon sa kung papano nila ako trinato noong unang beses ko silang nakita. First impression lasts, ika nga nila.
Gusto kong ilayo si Louie sa kanila. I have good intentions for doing that. I worry a lot about him. Gusto ko syang ilayo. Gusto ko syang baguhin. I guess every woman tends to surround themselves with bad boys, or boys carrying problems on their shoulders. They all want to change those people. Make them good and leave being bad. People tend frown and misunderstood those actions.
Why do they always do that? Why change the people you love and not accept just accept them as they are? That's what they always asked. Masisisi ba nila kaming mga kababaihan sa ganoong kaisipan? Every woman is the same. They are all mothers. They all have a motherly instinct embedded on their skin, no matter how hard they deny that they don't want children. They will always do. And all of them just wanted what was best for their children and every one they love around them. Kaya hindi mo masisisi kung bakit namin ginagawa iyon dahil ganoon na talaga kami, kahit noong simula pa ng panahon.
BINABASA MO ANG
Twisted Fairytales: Rapunzel's Teacher
RomanceHi. Ako nga pala si Maria Carolina A. Mendrez. 20 years old. BS Agriculture student. Dean's Lister. Top in the class. Miss Goody-two shoes. SINGLE. VIRGIN. LOCKED UP. IGNORANT. And it's time for me to CLIMB DOWN. WARNING: MATURE CONTENT This story...