Lesson 14

7.4K 49 5
                                    

Lesson 14

 

            “Maria, guess what? Meron akong goodnews!” Bungad sa akin ni Mommy ng nasa harap na kami ng hapag kainan. Nakabalik na ulit silang dalawa ni Daddy mula sa trabaho at sa isa pang pagkakataon ay magkakasama na naman kaming kumain ngayon ng hapunan. Ang isa pang ikinasisiya ko ngayon ay ang magandang mood ng aking ama. Bihira ko lang syang makitang ganito at bihira lang din nyang ipakita sa akin ang kanyang mga ngiti. Kaya habang maganda pa ang mood nya, sinamantala ko na ang pakikipag-usap ko sa kanila.

“Talaga po? Anong good news yan Mommy ha? May date kayo ni Daddy noh?” Pang-aasar ko sa kanya habang itinataas-baba ang aking mga kilay.

Tumawa sya ng malakas habang napapangiti lang ang aking ama.

“Slight.” Pagbibiro nya habang patuloy pa ang pagtawa.

“Huh?” Naguguluhan kong tanong. Anong slight? May slight bang date? Sinilip ko ang aking ama upang tanungin kong anong ibig sabihin ni Mommy. Nagkibit-balikat lang sya saka ininom ang kanyang wine, ibig sabihin, bahala na si Mommy ang mag-explain.

“Mom, paki-explain?” nalilito kong tanong.

“Naku hija, pasensya na. Masyado lang natuwa si Mommy mo. Eh ito kasing Daddy mo, sinurprise ako. Hindi ko kasi alam na magbabakasyon sya ng isang linggo. Basta ginulat na lang ako na magout-of-town trip daw kaming dalawa.”

“Talaga?! Wow, Mom. Good for you. Sa inyo pong pareho. Minsan na lang kayo makapagpahinga ng husto eh.” Totoong masaya ako para sa kanila. Bihira lang silang makapagpahinga sa sobrang dami nilang tinatrabaho. Lagi nilang iniisip ang tungkol sa business nila, kung paano magiging successful pa ito lalo, kung pano mabibigyan ng suporta ang pamilya namin at kung pano nila mabibigay ang mga kailangan at gusto ko.

Lalo na sa aking ama na halos hindi na pumikit at lagi na lang gustong magtrabaho. Ayaw pabayaan ang kanyang negosyo kahit na may maaasahan naman syang mapagkakatiwalaang empleyado. Ganoon na rin siguro kapag ikaw mismo ang nagpakahirap na itayo iyon. Gusto mong alagaan na parang anak mo na rin at kailangan mong protektahan sa abot ng iyong makakaya. I’m not so resentful that my dad won’t have enough time to give me some attention. Besides, it’s just the way he is and I guess I have nothing else to do about it. I’m happy that he still gives me some of his attention, though not quite often, but it was enough. It’s enough that he still looks and inquires on what I was doing, and that settles my mind, knowing that fact. And why would I not be grateful when the only reason he’s doing that was for me, my mother and our family? It gave him a sigh of relief when he sees us comfortably living. Magrereklamo pa ba ako kung doon sya masaya?

Nilingon ko si Daddy. “Saan kayo magbabakasyon, Dad?”

“Pinag-uusapan pa namin ng Mommy mo eh, but we prefer some remote island on south so that we can fully enjoy our vacation. No hassle and such.”

“Siguro Dad, mas maganda kung sa bukid kayo pumunta. Para fresh air tska simple living. Dami pang mga halaman doon.” Nagbibiro kong suhestiyon.

Napatigil sya sa pagkain, nagiisip saka sya lumingo sa akin. “I think your right. Nagagamit mo na yang kurso mo ha. Nagpopromote ka na.” Napapatawa nyang sabi na syang sinabayan ng aking ina.

Sa halip na mahiya ako sa kanyang sinabi, lumawak lang ang ngiti sa mga labi ko sa kanyang sinabi. Imagine, marunong na rin syang makipagjoke sa akin. Hindi ko mapaliwanag ang saying nararamdaman ko.

“Syempre naman dad!” Masaya kong sabi na may pagmamalaki rin sa aking nakuhang kurso.

Nilingon ko si Mommy at nakita ko ang magiliw nyang ngiti sa biruan naming mag-ama. Masaya marahil sya para sa amin. “Kailan po ba yang trip nyo?” tanong ko sa kanya.

Twisted Fairytales: Rapunzel's TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon