Lesson 10
“Hoy, Peachy, Steph. Anong pinagkakaabalahan nyang dalawa dyan at parehas kayong halos idikit na yang libro sa mukha nyo? Ano ba yang binabasa nyo?” Paguusisa ni Ginneth sa dalawa sa tapat namin.
Lunch break na namin at sa halip na kumain yung dalawa ay may binuklat agad na libro at nagbasa. Himala nga sa dalawa dahil hindi sila nagi-ingay ngayon.
Sabay silang tumunghay mula sa libro at laking gulat ko ng parehas silang umiiyak at kanya-kanya sa pagsinghot.
“Anong nangyari?” Pag-aalala kong tanong ng makita ko ang kanilang mga itsura.
Sisinghot si Peachy ng sinagot ako, “Sobra kasing nakakaiyak itong binabasa namin eh.” Sagot nya sabay kuha ng panyo at suminga dito. Napangiwi naman ako sa ginawa nya.
“Oo nga, nakakaiyak. Sobra.” Segunada naman ni Steph.
“Ano ba kasi yang binabasa nyo?” Sa halip na mag-alala sa pag-iyak nila si Ginneth ay natawa pa ito.
“The Notebook ang title. Si Nicholas Sparks ang nagsulat.” Mangiyak-ngiyak pa ring sabi ni Steph.
“Ah. Oo nga. Nakakaiyak nga yan.” Sagot ni Ginneth.
Nilingon ko sya at nagtanong, “Talaga? Tungkol saan ba yan?”
“Ah. Ah. Ah. No telling. Baka maispoil ka.” Pang-aasar ni Ginneth. Sinubukan kong tanungin yung dalawa.
“Tungkol saan?”
“Hindi pwedeng sabihin. Basta basahin mo na lang. Ten pages na lang naman, patapos na kami. Ipapahiram agad namin sa iyo. Later.” Sagot ni Peachy bago sila seryosong bumalik ulit sa kanilang pagbabasa at hindi na kami pinansin.
Napalingon na lang ako kay Ginneth at napakibit-balikat saka ko pinagpatuloy ang aking pagkain.
Vacant. Dalawang oras. Nasa library kaming tatlo at ako na naman ang nakayuko at seryosong nagbabasa ng libro. Hindi ganun kakapal ang librong iyon. Sa sobrang bilis at sanay ko sa pagbabasa, mabilis kong narating ang dulo nito.
Nag-uunahan na sa pagpatak ang mga luha ko at maya-maya na rin ang pag-singhot ko sa takot na pati ang sipon ko ay tumulo. Kahit na naririnig ko ang pagtawa nina Peachy sa akin, hindi ko iyon pinansin at tuluy-tuloy na nagbasa.
Ganun ang itsura ko ng makita ako ni Louie at tumabi sa akin. Hindi ko sya agad napansin. Saka ko lang ito napansin ng inakbayan nya ako at nag-aalalang tinanong ako.
“Bakit? Anong nangyari? Bat ka umiiyak?” Pag-aalala nyang tanong sa akin. Agad akong napalingon sa kanya at halos mapahagulgol ulit sa iyak.
Halata ang pagpanic nya sa itsura ko at agad nyang pinahid ang mga luha ko gamit ang kanyang mga hinlalaki.
BINABASA MO ANG
Twisted Fairytales: Rapunzel's Teacher
RomantizmHi. Ako nga pala si Maria Carolina A. Mendrez. 20 years old. BS Agriculture student. Dean's Lister. Top in the class. Miss Goody-two shoes. SINGLE. VIRGIN. LOCKED UP. IGNORANT. And it's time for me to CLIMB DOWN. WARNING: MATURE CONTENT This story...