5th Poem - Multo ng Kahapon

105 3 0
                                        

Nakita kang nakangiti, tumatawa't nagagalak
Ako'y natutuwa sa iyong bawat paghalakhak
Ako ri'y nagagalak sapagkat hindi ka na nagdurusa
Sa piling kong puro pasakit lamang at parusa

Nang iwan kita'y ako'y labis na nasaktan
Nang ika'y ngumiti para bang nais kitang hagkan
Hindi ka ba nasaktan? O magaling ka lang magtago ng nararamdaman?
Sabi ng isipa'y, ayos na yan, kaysa ang pag iwan sayo'y akin pang tigilan

Nakabubuti ito upang hindi ka na masaktan pa
Ang pagmamahal ko sayo'y labis na nakasakit ba?
Kaya naman naisipan kong iwan ka
Baka ika'y makahanap ng hihigit pa

Nang oras na makita kang may kasamang iba
Ako'y nagsisi bakit nga ba pinakawalan pa
Ang tulad mong labis akong minahal
At para sa akin ay handang sumugal

Mga alaala'y unti unting nagbabalik
Imahe mo habang ang gitara'y tinatapik
Habang kumakanta'y labis labis ang ngiti
Ngunit ngayo'y wala ni isang bati

Naalala mo pa ba kapag ako'y nagagalit?
Halata mo agad dahil sa ngiti kong walang kasing pait
Isa lang naman palagi ang posibleng dahilan
Ako'y naninibugho sa tuwing may ibang kasama't katawanan

Naalala mo pa ba kapag ika'y kumakanta?
Ako'y tumatawa kaya naman nagagalit ka
At sasabayan mo ng alis at magdadabog pa
Saka ako tatawa at lalong mang aasar pa

Naalala mo pa ba kapag ako'y natatahimik?
At sa isang sulok ako'y nagsusumiksik
Lalapitan mo ko't tatanungin kung ako'y ayos lang
At sasabihin kong oo, ako'y pagod lang

Naalala mo pa ba kapag tayo'y nagtatawanan?
Sila'y napapatingin at tayo'y aasarin
Alam ng lahat na sa isa't isa tayo'y may pagtingin
Kaya naman sila'y nagulat nang ako'y hindi mo na pansinin

Ang nakaraan ay patuloy akong hahagilapin
Upang bawat oras ay palagi kitang isipin
At ipaalala kung ano ang aking pinakawalan
Sa litrato na nga lang ba kita muling mahahawakan?

Written: December 2015

Poems CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon