15th Poem - Paalam

76 1 0
                                    

Isang taon na pala ang lumipas...
Isang taon na puno ng masasakit na alaala
Na kahit wala ka na ay pilit pa rin akong ginagambala
Nang ngiti, tawa, kindat at boses mo
Kahit san ako lumingon ay ikaw ang nakikita ko
Paano na nga ba ito? Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko
Simulan natin sa umpisa....
Kung saan mga bata pa tayo; inosente at walang malay
Puro laro pa lang ang iniisip natin at wala pang mabigat na problema sa buhay
Tayo'y lumalaki, nagkakaroon ng muwang at para bang ginugusto kong tumanda tayo ng sabay...
Yun bang nasa simbahan tayo kasama ng mga imbitado at mga abay
Yun bang pag uwi natin galing trabaho ay isa lamang ang uuwian nating bahay
Yun bang kapag matatanda na tayo at hindi na natin kaya, magkatabi tayo sa ating mga  hukay
Alam kong masyado pang maaga para isipin ang ganitong mga bagay
Pero isa lang ang alam ko; ang buhay ko'y  binibigyan mo ng kulay
Pag sapit ng hapon ay lalabas ako
Sisiguraduhin kong naka uwi ka na sa inyo
At ikaw na ang nagbabantay sa tindahan niyo
Araw araw ay ganito ang gawain ko
Bibili upang mag papansin sa iyo
Ngunit hindi nga naman palaging masaya ang takbo ng buhay ko
Nasa ikalimang baitang tayo at nabalitaan kong ka eskwela mo pala ang kasintahan mo
Maganda siya, mabait, matalino, ika nga ng mga pinsan mo
Kaya pala kahit tapunan ako ng tingin at suklian ng ngiti ay hindi mo magawa
Gusto siya ng nanay mo para sa iyo, kita ko sa mga mata niya kapag bumibili ako sa inyo
Ano nga ba namang panama ko? Kumpara sa kaniya ay walang wala ako
Bakit ba kasi ipinagsisiksikan ko pa ang sarili ko?
Lumipas ang maraming taon at pilit kitang kinakalimutan
Naghanap ako ng mga bagay na aking pagkakaabalahan
Sumama ako sa nanay ko at lumipat kami ng tirahan
Sa bagong buhay na pinasok ko, alam kong ikaw ay limot ko na
Isang bakasyon ay umuwi ako sa ating barangay
Ano na nga kaya ang iyong lagay?
Hindi ko alam kung namamalik mata lang ako
Pero totoo bang ako ang tinitignan mo?
Nakikita ko ang pasulyap sulyap at nakaw tingin mo
Hindi ko alam kung bakit pero bumibilis ang tibok ng puso ko
Dahil ba to sa kaba? Kaba dahil makalipas ang ilang taon ay nakalapit na naman kita?
Baka naman dahil sa tuwa kasi nakita na ulit kita?
O baka naman dahil sa kilig kasi mahal pa rin kita?
Hindi pwede, balita ko ay babaero ka
Nagulat ako ng lumabas ang pangalan mo sa inbox ko
Nag tatanong ka kung pwede bang makuha ang number ko
Pumayag ako dahil kilala naman kita at ang gantong senaryo ay hindi na bago
Araw araw ay magkausap tayo, umamin kang ako'y gusto mo
Ngunit... Handa na nga ba akong sumugal ulit sa iyo?
O baka naman laro lang lahat ng ito para sayo?
Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ko
Dahil pinagbigyan kita sa larong gusto mo
Kahit sa dulo ay alam kong masasaktan lang ako
Masaya naman tayo, araw araw magkasama hanggang hating gabi
Akala ko pang habang buhay na dahil iyon ang pinaramdam mo
Kahit maraming away, tampuhan at selosan ay nanatili pa rin tayong matatag
Kasi mahal natin ang isa't isa hindi ba?
Kasi sabi natin walang susuko
Ngunit natapos ang bakasyon.... At pati ang kung anong meron tayo ay natapos din
Nasaktan ako ng sobra
At sinabi ko sa sarili ko na hindi na ulit ito mauulit pa
Muli, pinilit kong kalimutan ka
Naghanap ulit ng mga bagay na pagkakaabalahan pa
Dumating na naman ang bakasyon, umuwi ulit ako sa ating barangay
Nakita na naman kita, hindi ko alam pero wala na akong galit na maramdaman
Maski katiting na inis ay wala na
Pero may maliit na panghihinayang akong nararamdaman pa
Hindi ko alam kung tanga lang ba talaga ako o tanga talaga
Dahil pinagbigyan ko na patunayan mo sa akin na nagbago ka na
Na hindi mo na ulit ako sasaktan pa
At ako naman tong si tanga, naniwala na naman
Nabulag na naman sa katagang 'mahal kita'
Siguro dahil namiss kita
Kasi hindi ko kinaya nung wala ka
Ngunit daig mo pa ang panahon sa papalit palit na emosyon
Minsan ay malambing ka ngunit minsan ay mailap ka
Hindi kita maintindihan... Bakit ba ganyan ka?
Isang taon na sana tayo ngayon, mahal
Kung hindi mo lang sana ako pinagpalit sa dati mong minamahal
Isang taon na sana tayo ngayon, mahal, ay hindi, minahal pala
Isang taon na sana....
Isang taon....
Ngayong taon,
Paalam, kakalimutan na kita

Written: April 2016

Poems CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon