10th Poem - Ikaw pa rin ba?

75 3 0
                                        

Ikaw pa rin ba yung lalaking nagustuhan na ako sa unang araw palang ng klase? Yung lalaking naniwala na kaya ko ang lahat, na kaya kong lagpasan ang lahat ng problema, pagsubok o anumang dagok sa buhay. Yung lalaking nakita ang mabuti sa akin noong panahong nalulugmok ako. Ikaw pa rin ba?

Ikaw pa rin ba yung lalaking kaya akong hintayin kahit gaano katagal? Yung kahit abutin ako ng siyam siyam, o kahit na mayroon mang ibang lalaking makapasok sa buhay ko, nandiyan pa rin, naghihintay, umaasa kahit walang katiyakan. Ikaw pa rin ba?

Ikaw pa rin ba yung lalaking mabilis akong pinapatawad? Yung kahit na gaano man kalaki ang kasalanan ko, kahit ako man ang nagsimula ng gulo, nandiyan pa rin sa tabi ko, kaya akong patawarin sapagkat hindi ako kayang tiisin, kahit gaano man ka-grabe ang ugali ko. Ikaw pa rin ba?

Ikaw pa rin ba yung lalaking pinangakuan ako ng habang buhay? Yung lalaking nagsabi saakin na kahit kailan, hinding hindi sa akin susuko dahil mahal na mahal nya ako, na kahit gaano kahirap, titiisin nya. Ikaw pa rin ba?

Kasi ako, ako pa rin to. Yung babaeng minahal mo unang araw palang ng klase, yung babaeng kahit gaano man kagulo ang isip, babalik at babalik pa rin sayo. Ako pa rin to. Walang nagbago.

Pero ikaw. Ikaw pa rin ba yan? Nasaan na ang pangakong pang habang buhay tayong dalawa? Nasaan na yung lalaking naniniwala na kaya ko ang lahat? Nasaan na yung lalaking hindi ako iiwan? Nandoon, kasama yung bago nya, masaya, habang ako nagdurusa.

At oo, ako rin ang sasagot ng tanong ko. Ikaw pa ba yan? Hindi, hindi na ikaw yan.

Written: February 2016

Poems CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon