Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Apat.. Lima??
Mga pagkakataong hindi ko na mabilang pa
Hindi ko na maalala sa sobrang dami na
Ginawa mo naman ang lahat, ngunit bakit parang kulang pa?
Teka, kulang nga bang talaga? Baka naman sumobra na
Na umabot sa puntong nakaka walang gana na
Sa sobrang tamis ay nag ka diabetis na
Kung tutuusin ay hindi mo kasalanan na gan'to ang kinahantungan
Binigay mo kasing lahat kahit na alam mong masasaktan ka lang kalaunan
Hindi naman nagkulang sa paalala at babala ang iyong barkada't mga kaibigan
Kung gaano ko kadelikado, mag dudulot lang daw ako sayo ng kapahamakan
Sinabi rin nilang sa dulo'y magsasawa na naman ako at bigla kang iiwan
Alam na nila yun kasi ilang beses na kitang binitiwan ng wala namang matinong dahilan
Hindi ko masabi ang totoong rason dahil alam kong walang katuturan
Hindi katanggap tanggap kahit saang anggulo man tignan
Pero kasi kahit wala man kwentang pakinggan, masakit man, yun talaga ang katotohanan
Bawat makikita kasi kita o maririnig ko ang pangalan mo, wala akong nakikitang magandang katangian
Wala akong makitang iba kundi isang malaking talunan na wala namang patutunguhan
Pasensya na, hindi ko naman sinasadyang ganto ang tumatak sa aking kukote't isipan
Kapag tinitignan kita, hindi ko magawang ipagmalaki ka, nahihiya ako kapag kasama ka
Sinubukan ko namang mahalin ka, maniwala ka, sinubukan kong talaga
Kaso kahit anong gawin ko, wala talagang pag asa
Minsan nga nagawa kong paniwalain ang sarili kong mahal na din kita
Para kahit manlang papaano masuklian kita at kahit saglit lang ay mapasaya
Ngunit pumalpak ako sa plano kong ito, dahil imbes na matuwa ay sinaktan pa lalo kita
Marami pa akong gustong sabihin sayo, uumpisahan ko sa salitang 'pasensya'
Pasensya ka na kung hindi ako tumupad sa usapan, sa sinabi kong walang iwanan, sa sinabi kong walang hanggan, hindi ko alam kung anong dahilan bakit ako nagbitaw ng ganong mga pangako't kasinungalingan.
Pasensya ka na kung maraming beses kitang iniwan at sinaktan sa paulit ulit na mga dahilan. Nagsawa, hahanapin ang sarili ngunit makakahanap ng bago kalaunan. Paulit ulit tayo sa gano'ng sitwasyon, ni wala akong magandang naidulot sayo, kundi puro komplikasyon, alam ko yon.
Pasensya ka na kung hindi mo malaman kung ano ang iyong gagawin sa tuwing naiirita ako sa maliit na bagay na aking napapansin. Na kahit sobrang liit, katiting na katiting ay nagagawa ko pa ring punahin. Gumagawa na lang kasi ako ng dahilan para mapagod ka at ikaw na mismo ang kusang mang iwan.
Pasensya ka na kung ako yung minahal mo kahit napaka rami kong kalokohan, na inakala mong mababago ko pa ang aking mga maling nakagawian, hindi ka pa natinag kahit alam mong lahat ng bagay ay aking pinagsasawaan.
Pasensya ka na kung hindi ko na maalala pa yung ibang dapat kong ihingi ng kapatawaran, sa sobrang dami kasi ay nawala na to sa aking isipan hanggang sa makalimutan na ng tuluyan. Ni hindi ko nga alam kung pano pa ko nakakakain ng agahan, tanghalian at hapunan, kung pano pa ko nakakatulog ng maayos sa aking higaan sa kabila ng mga nagawa ko sayong mga kasalanan, habang ikaw ay hindi makatulog sa gabi, dahil sa mga gumugulo sa iyong isipan, sa pilit na kakaisip sa posibleng dahilan ng biglaan ko sayong pag iwan, patawarin mo ako.
Ngunit alam ko, pagdating ng tamang panahon, makikita mo rin ang tamang tao para sayo, yung taong hindi gagawin ang mga ginawa ko, yung taong hindi ka iiwan, lolokohin at sasaktan, yung taong hindi padalos dalos ng desisyon at pabago bago ng isipan, yung taong hindi katulad ko. At sana pagdating ng araw na yon, hindi ka pa nagbabago dahil sa mga nagawa ko sayo. Hinihiling ko na hindi naka apekto ang masasamang naidinulot ko sa buhay mo. Na sana, hindi pa nagiging bato ang puso mo gawa ng maraming beses na pag iwan ko. At ang pinaka huling kahilingan ko, sana'y hindi ka maging manhid sa nararamdaman mo, na pati ang muling pagmamahal ay ikatatakot mo, dahil sa walang sawang pananakit ko sa damdamin mo, wag kang matakot sumubok, dahil hindi naman lahat, katulad ko.
