6th Poem - Pangalawang Pagkakataon

83 3 0
                                    

Aking napagalaman, mula sa isang kaibigan
Ikaw pala'y namuhi  sa aking mga kagagawan?
Ah, sino nga namang matutuwa? Ika'y tila pinagtaksilan
Lahat sila'y nainis sa aking ginawang kapangahasan

Patawad, mahal, hindi ko sinasadya
Na hindi pansinin ang bawat luhang nagbabadya
Nasaktan ng lubusan, puso'y nagalusan
Lahat ng ito'y bunga ng aking kaguluhan

Sana nama'y muling intindihin
At mga pagsamo ko'y iyo nawang dinggin
Ako pa ri'y nandirito, umiibig at nananalangin
Na sana'y may puwang pa, huwag tuluyang limutin

Nakalimutan mo na ba kung paano tayo naging masaya?
Noong mga panahong tayo ay magkasamang dal'wa
Ang sarap balikan ng mga bawat alaala
Sa saya at lungkot tayo ay nagsama

Ngunit ang buhay nga naman ay hindi tulad ng nasa libro
Mayroong awayan, di pagkakaintindihan at  gulo

Written: December 2015

Poems CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon