Ganon ba kadaling itapon yung dalawang taon na pinagsamahan natin para sa dalawang buwan na pinagsamahan nyo? Ganon ba kadali?
Ganon ba kadaling iwasan ako gayong ang lumapit sayo ang gustong gustong gawin ng mga paa ko? Ganon ba kadali?
Ganon ba kadaling iwan ako noong panahong kailangang kailangan ko ang tulad mo na magpapaalala saakin na kaya kong lagpasan ang ano mang problema at pagsubok. Ganon ba kadali?
Ganon ba kadaling kalimutan ako? Kung paano tayo naging masaya sa piling ng bawat isa, kung gaano natin kagustong araw araw tayong nagkikita, na tipong sabado'y gusto mong gugulin natin ng magkasama. Ganon ba kadali?
Ganon ba kadaling isantabi ang pangako mong mananatili ka sa tabi ko? Na hindi mo ako susukuan ano mang kahantungan nito. Ganon ba kadali?
Kasi para saakin, hindi ito madali.
Hindi madaling kalimutan ka. Lalo na't bawat paglingon ko'y puro ala ala nating dalawa ang pumapasok sa isipan ko. Yung mga taong nagpapaalala saakin ng pagmamahalan natin.
Hindi madaling makita kang may kapiling na iba. Na yung dating ginagawa mo sa akin ay sa kanya mo na ginagawa. Ang atensyong binuhos mo noon saakin ay sakanya mo ngayon ibinubuhos.
Hindi madali.
Ngunit paalam, dahil kahit gaano man kahirap, kailangan kong tanggapin. Tanggapin na wala na talaga, tanggapin gaya ng pagtanggap mo sa ideyang hindi mo na ako babalikan pa. Hindi madali, pero paalam, mahal, hanggang sa muli.
Written: February 2016