8th Poem - Bunga ng isang pagkakamali

68 3 0
                                    

Nakita ko ang inyong mga pagkakamali
Pati na ang mga pagsisising walang 'sing tindi
Ang paraan ng inyong pag papalaki
Ay di ko gusto at ito'y di ko itatanggi

Kapag ako'y nagkaron ng sariling mga anak
Gagawin ang lahat upang di magkawatak watak
Di mag aalangan, Ipagkakaloob ang buong pagtitiwala ko
Upang hindi nila maranasan ang pighating katulad nito

Papayagan ko silang gawin ang anumang gusto nila,
Sila'y may sariling kalayaan, hindi na ako aapila
Paggabay lamang ang tanging maibibigay ko
Pati na rin ang samu't saring mga payo

Hindi ko sila ikukulong sa hawlang gawa ko
Sapagkat alam ko kung anong pakiramdam nito,
Ang di maka galaw kahit pa gusto mo
At lahat ng kilos mo'y pawang kalkulado

Hahayaan silang gumalaw ng gumalaw
Dahil sila rin ay mayroong sariling mga pananaw
Ni hindi ko hawak ang kanilang mga buhay
Upang ipagkait ang kanilang kaligayahang tunay

Hindi ko kayo gagayahin, kung yan ang iniisip ninyo
Maling desisyon ninyo ay hindi nakaeengganyo
Isa kayong halimbawa na kailan ma'y di dapat tularan
Wag isiping yapak niyo'y susundan, hindi kayo isang huwaran

Written: January 2016

Poems CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon