16th Poem - Unang Pagibig

70 2 0
                                    

Simulan natin sa umpisa...
Kung paano nila tayo asaring dalawa
Kung paano ako nahulog ng sobra dahil sa pang bubuska nila
Kung paano nila sabihin na tayong dal'wa'y bagay talaga
Kung paano mo ko sungitan t'wing tayo'y pinagtatambal nila
Bata pa lang tayo noon at wala pang panahon sa gano'ng bagay
Kasi nga maliliit pa lang tayo; inosente at wala pang malay
Puro laro pa lamang ang iniisip natin at wala pang mabigat na problema sa buhay
Tayo'y lumalaki, nagkakaroon ng muwang at para bang ginugusto kong tumanda tayo ng sabay;
Yun bang ipag-iisa tayo sa simbahan, saksi ang Diyos, mga imbitado at mga abay
Yun bang pag uwi natin ng trabaho ay isa lang ang uuwian nating bahay
Yun bang kapag matanda na tayo at hindi na natin kaya pang mabuhay, magkatabi tayo sa ating mga hukay
Ang sarap pakinggan ngunit masyado pang maaga para isipin ang ganitong mga bagay
Tayong dalawa ay nagaaral pa lamang ng elementarya
Ni hindi ka nga ngumingiti kapag inaasar tayong dal'wa na para bang hindi ka makakikitaan ng kahit na kakaunting saya
Sa pagdaan ng marami pang mga taon,
Lumipat na kami ng tirahan kaya nakikita na lamang kita tuwing bakasyon
At ang pagkakagusto ko sayo noon ay tila ba naglaho na
Hindi na ako kinikilig tuwing nakikita ka
Hindi na rin ako natutuwa kapag tayo'y inaasar nila
Para bang wala nalang saakin ang lahat ng mga 'yon
Siguro nga'y ang paghanga ko sayo ay napaglipasan na ng panahon
Ngunit makulit nga talaga siguro si tadhana dahil inilapit niya ulit ako sa'yo isang bakasyon
Umamin kang nagugustuhan mo ko ngunit hindi ka naman gumawa ng kahit anong aksyon
Bakit ganoon? Tila yata nagkapalit tayo ng posisyon
At ikaw naman ang mistulang mag isang umiibig ngayon sa ating sitwasyon
Ngunit sa palagay ko'y hindi naman totoo ang pagkakagusto mong iyon
Ni hindi ka nga gumagawa ng solusyon
Upang magbalik ang paghanga ko sa'yo noon
Ni ang biglaang pagkakagusto mo sakin ay hindi mo mabigyan ng sapat na eksplanasyon
Sana naman mag sabi ka kahit kakarampot manlang na rason
Upang maniwala naman ako sa sinasabi mong iyon
Para kasing hindi makatotohanan dahil biglaan katulad ng biglaang mga alon
Hindi sana kita pagbibigyan ngunit biglang nagbago ang aking desisyon
Sinubukan kong pag bigyan ka at nagtagumpay ka naman
Nagbalik na naman ang kilig na dati kong naramdaman
Kung tutuusin ay mas lumala pa nga dahil doble, triple ang tuwa kapag ika'y aking nasisilayan
Nahuhulog na ako ng sobra ng hindi ko namamalayan
Na-stranded na yata ako dito sa aking kinalalagyan
Ngunit totoo nga sigurong lahat mg ito'y may may hangganan
Dahil hanggang bakasyon lang pala ang inakala kong walang katapusan
Kasalanan ko to e, dahil sumugal ako kahit walang kasiguraduhan
Pero ayos lang, naging masaya naman ako kahit lamang panandalian
Naging masaya ako kahit wala ka na
Kapag bumalik ka alam ko sa sarili kong wala na talaga
Kaso talaga nga namang napaka pasaway ng puso ko at pati na rin ni tadhana
Ang akala kong wala na ay meron pa rin pala
At ang inakala kong hindi na ay siya pa rin palang talaga
Kaya nang bumalik ka ay hinayaan kita
Hinayaan kong malunod muli ako at hindi na makaahon pa
Hinayaan kong managinip muli ako at hindi na makabangon pa
Hinayaan kong mahalin ulit kita at hindi na muling makalimot pa
Na kahit tutol sila ay ipaglalaban kita
Na kahit bawal ay susuwayin ko sila
Na kahit sobra na ay iisipin pa ring kulang pa
Na kahit mali na ay pilit pa ring iisipin na tama pa kahit na sabihin nilang 'tama na'
Ipaglalaban kita... Ipaglalaban ko tayo... Sana pati ikaw ay lumaban sa pagsubok nating ito.

Written: April 2016

Poems CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon