13th Poem - Liwanag sa Dilim

81 2 0
                                    

Nilukob ng dilim
Kasama ang mga salitang pilit kong kinikimkim
Na sa bawat oras na nagdaan ay walang nagawa kundi magdasal ng taimtim
At humiling, na sana'y hindi nagtago ng kahit na anumang lihim
Kung ganoon sana'y hanggang ngayon tayong dal'wa'y magkapiling
Kung ganoon sana'y ang atensyon mo'y hindi sa iba naibaling
Kung ganoon sana'y hindi ka na sa kaniya nahumaling
Kung sana'y hindi ako madalas nanibugho, nagalit at nagtampo
Sa tuwing hindi nabibigyan ng sapat na atensyon mo
Kung sana'y hinayaan kitang makipag usap sa kaniya
Kung ganoon sana'y hindi ka gagawa ng paraan para tumakas upang makausap siya
Kung sana'y hindi ko ipinakitang labis na mahal kita
Kung ganoon sana'y nakita mo ang aking tunay na halaga-
Kung sana'y hindi ako nagpakita ng labis na pagsinta
Na kahit mali ka'y pilit na kinunsinti kita
Kung sana'y noong una palang na sinabi mong 'mahal kita'
Ay nakuntento na ako at hindi na naghanap pa ng iba
Siguro'y hindi mo na kailangang maghiganti pa
Nang ako'y bumalik at nagsabing 'namiss kita'
Kung sana'y hindi ako nagpadalos dalos ng desisyon
Kung sana'y pinagisipan bago gumawa ng anumang aksyon
Siguro'y hindi tayo aabot sa ganoong sitwasyon
Na pilit inaayos ang mga komplikasyon
Dulot ng aking kaguluhan at maling desisyon
Ika'y umalis nang walang katanggap tanggap na rason-
Hindi ba ako karapat dapat sa kahit kakarampot na eksplanasyon?
Ay mali, nagbigay ka pala ng rason
At sinabi mong babalik ka sa tamang panahon
Na ikaw muna'y magbabago upang hindi na ako lumuha pa
At talaga nga namang ika'y nagbago, mahal
Bigla ka nalang nagbago ng iyong minamahal
Ang masakit pa'y habang ako'y naghihintay sa iyong pagbabalik
Habang ako'y nagdurusa at pilit nagsasaliksik
Kayo'y nagtatawanan at sinabi mo sakanyang hindi ka na magbabalik
Sa piling ko at sinabi mong huwag na akong pilit magsumiksik
Habang ika'y masaya na sa piling niya
Ako'y lumuluha at pilit na pinababalik ka-
Nagmakaawa, dumaing na sana'y ako nalang
Ako nalang ulit, kahit  mahal mo'y siya na
Ngunit tao lang rin ako, napapagod, nagsasawa
Lalo na kapag palagi nalang nababalewala
Na kahit pagmamahal ay naguumapaw
Kapag pagod na'y kusa na lamang bibitaw
Dahil tulad ko'y nilukob ka na rin ng sarili mong dilim
At nalunod na sa sariling dagat na nag uumapaw sa lalim
Kaya naman nakapagbitiw ng mga salitang higit pa sa kutsilyo ang talim
Ngunit naniniwala ako na balang araw ay may sasaklolo sa atin na liwanag
Na magaangat sa atin at magbibigay ng sapat na mga paliwanag
Kung bakit tayo'y hindi nagtagal, kung bakit ka bumitaw sa kamay nating magkahawak

Written: February 2016

Poems CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon