7th Poem - Sabi mo

86 2 0
                                    

Sabi mo mas minahal mo ako,
Ngunit bakit iba ang sinasabi ng mga mata mo?
Sabi mo mas masaya ka kapag kasama mo ako,
Ngunit bakit sa kaniya nakatuon ang atensiyon mo?
Sabi mo madami kang plano para sa ating dalawa,
Ngunit bakit ngayo'y parang ang lahat ay nag iba na?
Sabi mo nasaktan ka nang ika'y iwan ko,
Ngunit bakit hindi halata sa mga ngiti mo?
Sabi mo, naiintindihan mo ako,
Ngunit bakit ang mga kilos ko'y hinuhusgahan mo?
Sabi mo hanggang ngayo'y bakit hindi mo pa rin ako malimut-limutan
At sana maniwala pa ako dahil ang lahat ng sinabi mo'y pawang kasinungalingan

Written: Janury 2016

Poems CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon