Pangalawa.

742 30 10
                                    

Pangalawa.

Noong mga sumunod na araw hindi ko na maintindihan ang sarili kong excited na akong pumasok dahil nagbabaka-sakali ulit akong makita kita sa loob ng campus, kapag nasa labas ako pasimple akong lumilingon sa paligid baka kasi nandiyan ka lang sa tabi-tabi at kapag nasa classroom ako pasimple rin akong tumitingin sa labas nagbabaka-sakaling dadaan ka. Umaasang akong makita kang muli at umaasa akong makasabay ka muli sa pagpasok. Pero hindi na nangyari. Sabi na nga ba... Isang beses lang talaga iyon mangyayari.

Kung pwede lang matulog nang matulog para Sunday na agad at para P.E class na agad ay gagawin ko. Pero hindi naman ganoon kadali ang panahon, kapag gusto mong bumilis ang araw saka naman ito babagal, kapag gusto mong mabagal saka naman ito bibilis. Mapang-asar at nakakainis. Dati-rati tinatamad akong pumasok ng P.E class, dahil sobrang boring, lagi lang nakatunganga at lagi lang walang ginagawa. Pero simula noong napansin kita, gusto ko P.E class na lang lagi, para tatlong oras kitang matititigan sa malayo.

Sa tuwing iniisip ko ang una nating pagkikita-- ang una kong pagkakita ko sa'yo, kinikilig na agad ako. Nagbabaka-sakali kasi akong napansin mo noon. Baka lang naman diba? Malay mo napansin mo pala ako, malay lang naman... Hindi naman masamang umasa diba?

Sabi daw nila ang pinakamasakit sa taong nagmamahal ay ang iwan at hindi mahalin ng taong mahal nila. Pero hindi ako naniniwala roon, dahil ang pinakamasakit sa parte ng pagmamahal ay ang umasa at maging tanga.

Pero pagmamahal na ba itong nararamdaman ko sa'yo? Isang paghanga? O bugso lang ng kalandian ko sa katawan?

Sana Mapansin MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon