Pang-sampu.

670 31 11
  • Dedicated kay RCM
                                    

Pang-sampu.

Tumatakbo ang kada segundo, nagdaan ang bawat buwan at lumipas ang taon. Panibagong taon na naman ang haharapin ko, panibagong hakbang na naman ang tatahakin ko, iba't-ibang tao na naman ang makikilala at makasasalamuha ko. Sa bawat araw na daan-daang tao ang nakasasalubong ko sa kalsada at campus isa lang ang hinihiling ko.

Ang makasalubong ka sa bawat dinaraanan ko.

Kahit sa ganoong paraan lang masaya na ako. Ang iba sinasabi nilang tanga at masokista ako, tanggap ko naman iyon. Hindi ko naman kasalanan ang magmahal. Hindi ko kasalanan ang magmahal ng taong hindi ako mahal at hindi ako kilala.

Kung pwede lang turuan ang puso ko matagal ko nang ginawa at hindi sana hahantong sa ganito ang lahat-lahat. Ang simpleng paghanga ko sa'yo, ang simpleng pagkabaliw ko sa bawat ngiti at tawa mo, hindi ko aakalain na hahantong ito sa pagmamahal ko sa'yo. Hindi ko inaakalang mamahalin kita nang ganito at hindi ko inaakalang mamahalin kita nang sobra-sobra.

Tanggap na tanggap ko ng hanggang dito lang ako, nasa malayo na laging nakatingin sa'yo, pinagmamasdan ka at nangangarap na sana mapansin mo... Hanggang ngayon umaasa pa rin akong balang araw makilala mo ang katulad ko, umaasa ako na balang araw ngingitian mo ako, umaasa ako na balang araw tatawagin mo ang pangalan ko... Umaasa ako na balang araw mapapansin mo ang tulad ko.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito, walang nakaaalam kung kailan mawawala ang nararamdaman ko sa'yo, hindi ko alam kung kailan ako titigil sa ginagawa ko. Walang kasiguraduhan sa mundo pero alam ko balang araw matatauhan din ako kahit matagal alam kong matitigil din ang ginagawa kong ito.

Pero sa ngayon tulad pa rin ng dati, tulad nang simula ng kwentong ito. Nandito lang ako sa malayo handa kang saluhin kung sakaling hindi ka kayang saluhin ng taong mahal o gusto mo, nandito lang ako lagi kang pinagmamasdan sa malayo, lagi kang tinititigan, nangangarap pa rin ako na sana mapansin mo ang tulad ko.

Rhyen Tristan Mirano. Maghihintay ako... Sana mapansin mo.

••• END •••

Sana Mapansin MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon