Simula.

3.4K 57 15
                                    

Copyright 2013 © Yeppeun

Sana Mapansin Mo | Short Story | Complete

FACEBOOK GROUP: http://www.facebook.com/groups/IstoryaheNiBlesie


xxx

SIMULA




Ilang beses ko ng tinanong sa sarili ko kung ano pa nga ba ang kulang sa akin at hindi mo ako magawang mapansin?

Tuwing P.E class kahit hindi ako magaling sumayaw ginagalingan ko, todo giling at kembot ako kahit na puro paa at kamay lang naman ang ginagalaw dahil alam kong nasa kabilang pila ka lang baka kapag napalingon ka sa pila namin bigla kang mapatitig sa akin. Baka lang naman...

Kapag dadaan ka sa gilid ko nilalakasan ko ang boses at tawa ko para lang mapansin mo, todo hawi na ako ng buhok ko kahit na hindi naman mahangin at sobrang init iyong tipong amoy pawis na ang anit ko.

Halos lahat na yata ginawa ko para lang mapansin mo. Pero hindi pa rin... Hindi mo pa rin ako pinapansin.

Ano pa ba ang kulang sa akin? Gusto ko lang naman mapansin mo ako para malaman mong nandito lang ako, nakatingin sa'yo sa malayo, pinagmamasdan ka sa malayo, hinihiling na balang araw makilala mo ako, nandito lang ako handa kang saluhin kung sakaling hindi ka magawang mahalin ng taong mahal mo, kung sakaling hindi ka magustuhan ng taong gusto mo.

Nandito lang ako nakatingin sa malayo, hinihintay kang mapansin mo ako.





Sana mapansin mo ang isang tulad ko. Sana mapansin mo...

Sana Mapansin MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon