Pang-walo.

440 20 1
                                    

Pang-walo.

Last practice na ngayon ng P.E tapos bukas foundation day na, tapos bukas makalawa wala ng P.E class at hindi na kita makikita, hindi naman laging makasasalubong kita sa loob ng campus, hindi laging mahahagilap ka ng aking mga mata. Iniisip ko pa lang na hindi kita makikita ng kada linggo o isang beses sa isang linggo nasasaktan na ako... Ayoko na, gustong-gusto ko nang pigilan itong nararamdaman ko hindi na yata tama ito.

Pero kahit anong pigil ko gusto pa rin ituloy ng puso ko dahil sa'yo lang naman ako sasaya, kahit nasasaktan na ako masaya pa rin ako sa'yo. Ikaw ang kaligayahan ko at ikaw din ang nagbibigay sakit sa puso ko.

Pagkagising ko sa umaga, pagkamulat pa lang ng aking mga mata ikaw agad ang pumapasok sa isip ko, buong araw, buong gabi at buong magdamag hindi ka na yata mawawala sa isipan ko, normal lang ba ito kapag may crush? Normal na gawain pa ba itong nangyayari sa akin? Crush lang ba talaga ito? Hinahangaan lang ba talaga kita?

Ayokong humantong sa pagmamahal itong nararamdaman ko... Hindi dahil sa takot akong magmahal. Pero dahil kahit kailan hinding-hindi ko maaamin ang nararamdaman ko sa'yo at baka hindi mo alam na nag-eexist ako sa mundong ito, nakakapraning mag-isip ng kung ano-ano. Kung minsan iniisip ko na sana balang araw hindi na lang puro sana ang nagbibigay pag-asa sa akin.

Pero isa lang ang nangingibabaw sa isipan ko, ang tanong na kahit kailan hindi na yata masasagot ng sino 'man. Tanging ikaw lang...

Mapapansin mo pa kaya ako?

Sana Mapansin MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon