Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Pang-siyam.

451 24 1
                                        

Pang-siyam.

Foundation Day

Ang bilis ng araw parang kahapon lang nakasabay lang kita sa pagpasok, parang kahapon lang hindi pa kita kilala at hindi pa ako baliw na baliw sa'yo. Foundation day na agad, mayamaya pa'y performance na. Ang iba masaya, nagpapapicture sa mga crush nila, kinakabahan at excited. Pero ako? Isang emosyon lang ang nangingibabaw sa aking puso...

Nasasaktan ako.

Baka kasi ito na ang huling araw na makikita kita, baka kasi ito na ang huling sulyap ko sa mga ngiti at mata mo. Kaninang dumaan ako sa gilid mo pilit ko talagang hindi ka tignan pero hindi ko magawa pasimple pa rin akong tumingin sa'yo .. Tulad ng dati hindi ka nakatingin sa akin pero kaninang paglagpas ko sa'yo nahagip sa gilid ng aking mga mata na tinignan mo ako. Ayoko mag-assume na sa akin ka talaga nakatingin pero madalas kitang nahuhuling tinitignan ako. Ayoko lang mag-assume baka kasi lalo lang akong masaktan.

Kanina sabi ng mga kaibigan ko madalas daw nakikita nilang tumitingin ka sa gawi namin, hindi ko alam kung sino ang tinitignan mo kung ako ba o ibang tao. Pero may konting-konting puwang sa puso ko na umaasang sa akin ka nakatingin... Ako talaga ang tinitignan ng mga mata mo.

Ibang-iba na talaga itong nararamdaman ko hindi ako ganito dati, sa'yo lang talaga ako nagkakaganito. Ano bang mayroon sa'yo? Hindi pa naman kita kilala ng lubusan kung mabaliw ako sa'yo sobra-sobra.

Ilang beses ko nang tinanong sa sarili ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa'yo, ilang beses ko ng tinanggi ang sagot sa katanungan ko, ilang beses kong tinatanggi, natatakot ako sa kalalabasan pero kahit anong gawin ko lumalabas pa rin talaga ang totoong nararamdaman ko, ang puso ko pa rin talaga ang nakaaalam.

Pwede pala na kahit hindi mo ako kilala, kahit na hindi mo alam kung nag-eexist ba ako sa mundo, kahit na hindi mo ako napapansin at kahit na hindi pa kita lubusang kilala.

Minamahal na pala kita.

Oo.

Mahal kita.

Sana Mapansin MoMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon