Pang-pito.

450 25 0
                                    

Pang-pito.

Alam mo bang halos hindi ako nakatulog kinakagabihan? Alam mo bang sobrang bilis nang tibok ng puso ko? Pakiwari ko nagmimistulang kabayo na ito. Alam mo bang hindi maalis ang ngiti sa labi ko? Alam mo bang pakiramdam ko para akong isang fictional character na O.A kung kiligin? Alam mo bang lalo akong umaasa na sana noong nabunggo mo ako. Sana napansin mo na ang tulad ko... Sana na bunggo na rin ang puso mo sa akin. Sana...

Mahigit tatlong araw nang nakalilipas simula noong nangyari ang bungguan natin, nakatatawang isipin na alam kong wala lang sa'yo iyon pero para sa akin sobrang laking halaga ng pangyayari na iyon at kahit hanggang ngayon hindi ko pa rin nakalilimutan ang pangyayaring iyon at hanggang ngayon hindi pa rin nag-iiba ang nararamdaman ko... Kinikilig pa rin ako sa tuwing naaalala ko iyon. Sobrang saya ko... Baka kasi noong araw na iyon napansin mo na ang tulad ko.

Natatakot ako baka kasi kung saan pa mapunta ang nararamdaman kong ito, natatakot ako baka kasi tuluyan na akong mahulog sa'yo at natatakot ako dahil alam kong kahit kailan hinding-hindi mo ako magagawang saluhin.

Malapit nang matapos ang practice, malapit na ang foundation day pagkatapos niyon wala ng P.E hindi na kita makikita dahil malabong makita kita sa loob ng campus. Matatapos na ang 1st sem hindi pa rin ako makausad, ganito pa rin ako hanggang tingin lang talaga sa'yo.

Pero hayaan na, sanay naman na ako... Sanay na akong umasa at sanay na akong hanggang tingin lang sa'yo. Kahit masakit... Sanay na ako.

Sana Mapansin MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon